Friday, August 8, 2008

BUHAY ABROAD




Biyernes na naman.as usual,la na namang pasok at magtitinginan na naman kame ng mga flatmate sa kuadradong kwarto namin,minsan kagigising lang matutulog na naman.pag sinipag,kakain na naman,mag pagulong-gulong sa kama,manonood ng mga pelikulang pirated, at pag mas sinipag,tatayo ng sandali at mag kubeta at hihiga ulit at mag text sa aking pinakamamahal na asawa.at pag dinapuan ng mas malupit na sipag (na minsan lang nararamdaman) mag aayos ng kama.konting pag-pag lang, ayus na..

masarap na hindi masarap.paulit ulit na lang! isipin mo mang lumabas naku! mainit naman.isang paa pa lang ang nkalabas sa pinto'y pinagpapawisan na ang mala-luya kong paa.wala na talagang ibang magagawa dito tuwing byernes!amf.

kung sana'y nasa pinas ako ngayon siguradong di ako maiinip.pag-gising sa umaga makikinig sa sermon ni misis,pag alis ng bahay deretso na sa trabaho at tatambay sa faculty room habang nag-aantay ng mga estudyanteng walang ganang pumasok,pag sila nama'y sinipag at sumipot,no choice at ako'y magtuturo,at pagkatapos ng klase ay bibisita sa jobsite at makipag-epal sa mga cliente.at sa gabi,makinig sa mga pinagsasabi ng abogadong propesor sa klase habang ako'y umeepal sa mga bigating kaklase ko,konting BEERness pagkatapos ng klase,at sa paguwi makipag kulitan sa aking mga anak na minalas dahil puro kamukha ko,at ang pinaka FINALE ay ang sermon ulit ni misis bago matulog(na di ko alam kung tumigil ba habang ako'y wala)na isang malupit na yakap ko lang pipigil.pag minalas naman,minsan.....sampu hanggang benteng yakap bago tumahimik.atleast tsong,busy!kaw ba naman maghabol kaimisis ewan kung di pangubos oras yun....nakakamiss ang ang buhay byernes sa pinas lalo na ang yakap ni misis pag di na galit.lol

bukas sabado ulit!unang araw ng linggo sa saudi,ganun din..nakaupo lang magdamag sa opisina,parang lumipat lang ng lokasyon ngunit ang gagawin ay halos ganun din sa accomodation.tapos linggo ulit,hanggang miyerkules pare-pareho ang routine.at sa kasamaang palad!pagkatapos ng miyerkules ay byernes ulit!..anak ng nilagang baka!
KELAN BA MATATAPOS ANG KONTRATA BOSS!PAUWIN MO NA AKO!....







ANG PROBINXA KO'NG ZAMBOANGA!
08/08/08


Ya hode ya! ta akorda ya tamen yo mio "probinsia".sabroso ya gat bolbe!wew!......anda kome lechon todo'l domingo,man kwento con el mga pamparon amigo,maneha con el mio vehiculo,pasya pasya na mindpro (el pinaka bale mall na entero mundo!wahehehe),liba pasya con el mga pikenyo bata mio,anda camina camina na pueblo maskin amo-amo ya lang el sen,sinta sinta na "boulevard of broken dreams" mentras ta kome balut y chicharon junto con el mio vien valiente mujer,anda na WMSU incinya con el mio mga paborito estudyante na "ARCHITECTURE" y man cuento con el mga otro tam bien propesor,entra eskwela kadanoche,kome batchoy na tienda di nang Pilang,anda na san roque kumpra "tikoy",se kalyente na kasa y rabyaw mi bonita esposa,anda na onde onde como pasonanca,sta.maria,tiangge de guiwan y onde onde pa mentras el boka tamen del miomujer donde donde tamen hehehe.

Era MAYO ya manyana para pwede ya bolbe kai makabolbe ya gayot.si nohay lang mucho sen aqui hinde na gad maka vira pwede ya!....el problema grande mucho pa gad debe.hehehe.HAY SENYOR!ZAMBOANGA! porque uste bien lejos aqui....

NOTA:sa mga 'di nakakaintindi.......PASENSYA NA.pwede rin'g mag comment na lang for translation ,tinatamad na naman kasi ako'ng mag translate (biyernes kasi ngayon)lol...



1 comment:

JAJA NOBLE said...

o ayan..ej..and2 n c ron..nbalitaan ko ngyare snyo ha!..kagulo..pro nkktwa..tpos bktima k rn dw ng hold-up!..whoa!kw nmn kc bka mukang paldo ka tlga nung arw n un..hehehehhe..

Search Here

Popular Posts