Tuesday, November 11, 2008

HINDI LAHAT MANLOLOKO

Napanood ko kagabi ang delayed telecast ng LALOLA (oo ,lalola ng kapuso.lol..walang pakelamanan.pinapanood ko talaga yun dahil GMA ang cable sa flat namin at hindi TFC).medyo naasar kasi ako sa kupal na scriptwriter ng episode kagabi dahil bumanat na naman ng panlalait .Etong mga scriptwriter kasi minsan tira lang ng tira makabanat lang ng panlalait at kumita,mga Mal pagador!!! ……….sa ekesena kasi nag uusap si soledad (ang babaeng salubong ang kilay) at si LOLA (ang bida na pren ko sa peysbuk.lol).sa mga di nanood,eto ang eksena …

Habang malayo ang tingin ni Lola..

Soledad: anong iniisip mo

Lola: ammmmm..wala wala..

Soledad: lalake yan ano?

Lola: (nagulat dahil nabasa ang iniisip nya at napatanong) ......pano mo nalaman?

Soledad: hahahahahahaha!!!!1 (tawang demonyo)….lalake! lalake! lalake..yan lang ang dahilan kaya nasasaktan ang mga babae..ang lalake na manloloko lahat ng lalake pare-pareho…MGA MANLOLOKO!!!!…>>


P U T A K T E!!

Una kong Reaksyon ay natawa sa ichura ni soledad, pero ng nahimasmasan ako parang gusto kong sungalngalin (kung pwede) ang scriptwriter ng lalola..

Parang kasing ibig niyang sabihin sa linya, pati ako manloloko???..kupal sya!!!pakshet!!!naisip ko tuloy e kung ganun ibig sabihin,pati ikaw, kung lalaki ka at nagbabasa ka netong walang kwentang blog na to e, MANLOLOKO ka rin..haha..manloloko pala ka e…..at sa nagbabasa naman na kababaihan ,malamang masaya ka dahil kayo na naman ang bida…tawa ka pa!?…..halikan kita jan e..

HINDI SEHGUROH!!!!!!..di hamak na mas marameeng babae ang manloloko lalo na sa pilipinas .Baket?............................... relaks , ipapaliwanag ko….lol..

Karamihan sa mga annulment at legal separation cases sa pinas na nadesisyunan na ng supreme kort babae ang parateng dahilan ng hiwalayan…kung ayaw nyong maniwala , di wag!, base lang naman yan sa records ng supreme kort di ko rin nga alam kung maniniwala ba ako o hinde.nabasa ko lang.lol.

Eniwey,ang saken lang,Hinde makatarungan yang mga banat na LAHAT NG lalake manloloko.Sa totoong buhay kasi ,pare-pareho lang yan.kung may babaeng manloloko may lalaki ring ganun.kung may streyt naman na babae , ganun din sa mga lalake.kaya hindi lahat manloloko!!... lahat ng panloloko ay may dahilan…alam na naten ang dahilan ng mga lalake, e sa babae may nagtatanong ba kung ano ang dahilan nila kung bakit sila nanloloko?wala!!!!!…
Kaya dumadame ang matandang dalaga e, dahil naaalerjik na sa lalake.
AT ano ang iisipin ng mga bata?na lahat ng dadi manloloko? .
Parati na lang kasi kame ang contravida sa mga palabas na love story love story ang tema…bwiset!!!...lol…

Tu kat da istori syort,Dalawang bagay lang talaga ang gusto kong sabihin.Una,HINDI LAHAT NG LALAKE MANLOLOKO.pangalawa,LAHAT NG BABAE “NASUBUKAN” NANG MANLOKO.lol…walang pakelamanan ng opinyon…gusto ko lang makarating to sa mga scriptwriter..malay naten may mapadpad dito sa blog ko…lol..peace out…

18 comments:

bloom said...

ay defensive. hahaha! pero diba, aminin na natin.. more often than not, guys talaga primary reason ng pag-tulo ng luha naming mga girl..

aint i right ladies? c'mon.. back me up on this. hahahaha!

PaJAy said...

"guys talaga primary reason ng pag-tulo ng luha naming mga girl."

------------------------------
hahaha..tumpak yang statement na yan...pero,dibanga,kaya lng umiiyak mga girls dahil sa ISIP nila, NAUNAHAN SILA NG BOYPLEN NILANG MANLOKO?...hahahaha.......

paperdoll said...

aba aba parekoy!naninira ka ata ng pa dogstyle! hehe

marami pa rin ang mga babaeng maria clara ngayon. . pero hindi aco isa dun syempre. . kaya marami pa rin ang babae takot sa sagradong salita. . MANLOLOKO. .

unang una. . kung totoo man yan, sorry. . kasi ang mga lalake bulgar kung man loco. . at may pagkakataon na proud pa sila na nakadenggoy sila. . ang babae kasi hindi pwedeng mag malake dahil kasiraan sa kanila. . sainyo kasi parang lumalaki titi nyo pag sinabing playboy keo. . ganun din sa babae. . ang halay nga lang ng lumalaki ang pekpek diba?

kaya kung mas madalas kayo sabihang manloloko, dahil yun sa kaangasan ng pagmumukha nyo. . haha

well, wala naman talaga acong alam dito. . gusto co lang talaga mag type ng mag type kaya dito aco nag kala. . at ito, haba na ng comment co. . haha

PaJAy said...

wahahaha...ang galeeng talaga mag isip ng palusot ni MAnika....dinaan lang sa "Titi" at "PEkpek" nag mukha nang kapani-paniwala ...nyahahaha..mag abogado ka kaya?!!...lol...

JoShMaRie said...

kuya san mo nabasa yung records ng supreme court?

i disagree na mas maraming gurlaloo ang manloloko. hindi sukatan ang bilang ng annulment at separation cases sa supreme court para sabihin na mas maraming manlolokong girls. haha.

kung lalake ang nagfile ng legal separation/annulment malamang ang primary reason ng pagpafile ng case eh ang pagiging psychologicaly incapacitated ng babae at hindi dahil sa infidelity. isa pang reason kung bakit karamihan sa mga nadedesisyunan na annulment cases ng supreme court eh babae ang dahilan kasi, karamihan lalake ang nagfile. kasi lalake ang "palagi" (in most cases) ang financially capable. at dahil shungaers si girlaloo ayun, napaikot siya ng kanyang asawang eng-eng. haha. teka kung ano-ano na nasasabi ko.

you cannot blame people naman if mag-generalize na manloloko ang mga boys. buti na lang di ako ganun mag-isip kasi ayoko din tumandang dalaga. hahaha.

ang bottom line lang naman ng lahat ng ito ay... may mga babae naman talaga na sadyang kaliwete, pero mas madami pa rin ang lalakeng nangangaliwa. ayun.

Jandale said...

I can feel joshie's rage! lolz! males and females are both guilty of polygamy. lolz again! and hey! thanks for leaving a comment.

PaJAy said...

-Bb. josh: isa lang massbi ko sa kumento mo...BRilliant!!!..

-Jandale:halata nga e.lol..Salamat den....

PaJAy said...

P A H A B O L !!!
-Bb. Josh: sa SCRA ko dati nabasa yan..Chi ming Tsoi Vs. CA .part ata ng dissenting opinion ni judge V. Cruz.(",)

Chyng said...

affected!

but yes, wag dapat i-generalized. nde dahil nanloko ang isang lalake, dapat na i-label yun sa lahat.

pantay pantay lang yan. ang mahalaga, di ka makasakit ng maiba, di bale ng ikaw ang masaktan. mas kakayanin ng konsensya mo oag ganun. ayt?

darkhorse said...

yup I agree dapat parehas lng ang laban...kailangan itaguyod natin ang ating bansa! sa dami ng mga naghihirap ngayon lalo nasa pinas - papaano uunlad kung puros kurakot, kanya-kanyang gana, di pag sisislbi ang intindihin. tsk tumaatass dugo ko kapag nakakarinig ako ng ganito...nice post!

PaJAy said...

-Chyng; pag palain ka ng dyos sa pananaw mo...hehehe..ayos sa olrayt kung ganun lahat ng bbae mag isip...blink...

-Darkhorse: Apir parekoy!!!...hehe..

JAJA NOBLE said...

hoi 22o yan!!sinungaling mga lalake!!!!ikw?!nd m aminin n sinungaling k rn!!!bwahahahahahahahaahahahahah!!!<===demonyita

PaJAy said...

-Jaja: hahaha...Galit ka ba?

JoShMaRie said...

hahaha. gusto ko yung comment ni jaja! ;)

Vhonne said...

may away ba dito? playing safe ako... parehas lang ang babae at lalake...

(pero hindi ako... hindi ako manloloko...)

aminin nio na sa sarili nio... pare-parehas lang...

(hindi ako kasama... mabait ako...)

JoShMaRie said...

hahahah. salamat. at apir! hehe. sige aabangan ko yang naisip mo. :)

--
nasa middle east ka pala. tatanungin ko pa naman kung san school ka nagtuturo :)

Gay Iris said...

Hmmmm,..panloloko ba?well,granting na there are women who are making the panloloko,..but u cant blame them kasi nga they have their own reasons as to why they are doin that,reasons like,.they are not happy with the relationship that they're havin with their present bfs/hubbies,d b?reasons that are beyond the knowledge of others,...and when they'll. meet sombody who can complete that something lacking on their rel,.then,presto!Same with the gentlemen,. u can easily get attracted to ladies with different personalities from that of ur gf's and wives,.right,pajay? hehehe,..who's line was that?

Gassman said...

-Jaja: hahaha...Galit ka ba?

Search Here

Popular Posts