Thursday, January 29, 2009

Cooling off = Breaking up

Tama kaya ang equation ko?

Mausisa nga yang equation na yan.Napagtripan ko lang talakayin to habang nagbabasa ng mga post tungkol sa hiwalayan….

patalastas
*Ayos sa olrayt na manood ng Eatbulaga ngayon. Akalain nyong sabay sabay na sumayaw
ang Eb babes ngayon?heheh..di na nag-uunahan sa steps ang mga alagad ni Lian Paz na kasalukuyan rin palang syota na ni Paolo contis..PAz nga..galing kai mark herras ipinasa naman kai paolo..hahaha.PAZ lang ng PAZ lian PAZ..peace..showbiz! (may masabi lang talaga eno?).lolz…….eniwey.

Balik sa Equation.Pag sinabi kasing "cool-off ".Ang dahilan ng magSiyuta ay kailangan nila ng space .Anong space?..hindi ka ba makahinga?anong space ba ang gusto mo?parking space?.e kung gusto mo ng space bat di na lang kayo mag-usap ng mahal mo at distansya na lang ng konti?dba pwede namang mag usap na may space pa rin?sa mundo ng Arkitektura kasi may tinatawag kaming Zone of spaces.May public space (3m space distance),social space (1.5-3 mtrs),personal space (1.5 m) at Intimate space (.5 mtrs)..kung ang dahilan ay space,bat di gamitin agad ang Intimate?space naman yun dba?lolz.o kung talagang parang pusa kayong nagkakalmutan,e di gamitin ang public space.Ibig sabihin ,pwede namang magkaroon ng space kahit magkalapit kayo, unfair ang mga dahilang "I need Space"...ano yan? lipat bahay na?galing ka sa squatter kaya lilipat ka na sa subdivision dahil you need space?e di hiwalayan na rin yun…pinasosyal lang talaga eno?...Yung iba naman ang parating dahilan ay Gusto raw hanapin ang Sarili...ayos na dahilan eno?..Adik!?..hehehehe .e hinahanap mo nga ba talaga ang sarili mo?
o baka naman iba na ang hinahanap mo?at baka mahanap mo ang Umbrellang sinasabi ni Rihanna ,masarapan ka at mag stay na sa kanyang umbrella .ela ela e e e…naisip ko kasi..dba pag sinabing hanapin ang sarili ang ibig sabihin nun.ayusin mo sarili mo..parang uukitin bilang isang masterpiece ang sarili mo.yun nga lang, ikaw ang iskultor at ikaw rin mismo ang marmol .e pano kung nasa bandang likod mo na ang inuukit mo?malalaman mo ba kung maayos na ang gawa mo?ano ka?may mata sa likod?ok a!...dba mas maganda kung ang irog mo ay anjan kasama mo habang ginagawa mo ang sarili mo?para mga kamalian mong di mo pinapansin at iniiwan mo sa likod mo ay ma correct nya at maituro sayo kung saan mo dapat itutok ang Chisel mo.....di mo na kailangang maghirap.Sa ganung paraan, magtutulungan kayo habang inuukit nyo ang sarili nyo.iukit ang puwet mo ng nakatalikod.tama ba yun?...abay ewan ko rin sa mga pinagsasabi ko.trip  ko lng din man to….lol

patalastas...
Tanong sa taktak mo portion ng eat bulaga kahapon...anong salita na nagsisimula sa letrang C
ang bubuo dito "_____ does not pay" todo sigaw at proud na proud si ate sa sagot na imbes
crime e ..CREDIT daw!....Credit does not pay....ayos!..hoo nga naman..yung mga nangungutang
kasi ngayon di na nagbabayad e.tama naman e..Credit does not pay..heheheh


Balik sa paksa.Kung ganun ang madalas na dahilan sa cool off,ano naman kaya ang mga  dahilan sa Hiwalayan?..Sabi ng karamihan,Di raw nagkakaintindihan.e ano ba ang ibig sabihin ng intindihan o UNderstanding?magulong usapin yang understanding.Dito na lang ako sa Concept making.Magkapareho naman yun dba?understanding=Concept.Paano nga naman kayo magkakaintindihan kung hindi pareho ang inyong Konsepto?..parang  arkitekto..kung sa isang proyekto:ang Konsepto ng isang arch. ay modern at ang isa naman ay Classic.e siguradong di gaganda ang desenyo at magulo ang kalalabasan nito.e ano pa nga ba ang gagawin?..e di mag hiwalay na kayo!.kailangan pa bang imemorize yan?let him go!....yung iba naman ...dahil daw pinipilit nung isa na baguhin ang ugali ng isa,walang commitment,nag se self-pity yung isa dahil wala na raw tym si mahal sa kanya,nagseselos at ang panghuling alam ko e yung mga walang tiwala o negative na pagiisip.Lahat ng  yan ay pwedeng maging dahilan ng hiwalayan…e parang ganun din naman yung sa Cool-off dba?..pinaganda lang dahil sa “I need space”…hehehe..

patalastas
Ang Lufeet naman ng California mommy eno?walong anak sa loob ng 5 minutes?6 boys at 2 girls…ano na ang nangyayari sa mundo?.congratulationssssssss ma'am....lolz.. 
Balik paksa (mahaba na ba?..dibale,patapos na..hahahah)..pansin ko lang..ANo ba ang kaibahan ng cool off at break maliban sa mas mababaw ang dahilan ng cool off kesa sa pormal na hiwalayan?.....kasi nga kung nag cool off kayo para baguhin ang sarili nyo. e di ba nga sa hiwalayan dapat wag mong baguhin ng pilitan ang mahal mo?..ano ba yan? plastikan?..e kung pinagawayan nyo na yang sinasabing space sa cool off,hindi kaya babalik at babalik din yan sa future?.e di maghihiwalay din kayo?pinatagal nyo lang ang sakripisypo nyo?.sadya na nga bang katangahan ang pag ibig?... e kung sasabihin naman na ang Cool off ay hindi equal to break up dahil ito ay isang temporary hiwalayan lang para sa adjustment period lamang...o mas sikat sa katagang "love is sweeter the 2nd tym around" ano yun?.. bat kailangan ng cool off?para paasahin lang yung isa?mangangarap na babalik pa?..e kung sabihin na nating bumalik nga..e di naman kaya may dalang awa?..e di ba nga dapat walang "pity" para di maghihiwalay?...ganun din yun e..parang hiwalay na rin yun..mas masakit nga lang dahil para kang 50/50 na sa hospital o di naman kaya para kang nakasabit sa mataas na puno ng kamatis na isang kamay na lang ang nakahawak sa tangkay..on the second thought,pwede ring bumitaw...sa tagal mo ba namang nakabitin imposibleng walang sasalo sayo dba?..

Pwedeng hindi rin siguro tama tong mga pinagsasabi ko…Dahil ang totoo,wala naman talaga akong alam dito.trip ko lang talakayin at balewala sa akin kung hindi tama ang mga pinagsasabi ko.Di ko na rin pinalawak masyado at baka malinlang kayo at isipin nyong bihasa ako masyado na di naman totoo..haha..a ewan!….nakalimutan ko kasi ang short key ng not equal e.kaya equal ang nailagay ko sa taytel…lolz..


panghuling patalastas (kahit wag ng basahin at baka tuluyan ka lang mabwisit).
Naalala ko lang ang classic Joke na’to habang sinusulat ang paksang ito.

Manliligaw:wag kang mag-alala. pag tayo na,sasabayan kita sa lahat ng iyong problema.  Babae: e wala naman akong problema a?   Manliligaw: e kasi nga hindi pa tayo!wag kang eksayted!.....korni ba?...hahaha.naalala ko lng naman e.kaya dbale na…hehehehe

PS :Walang koneksyon ang post na to sa buhay ko..ito ay simpleng Trip lamang...

35 comments:

RJ said...

Naiibang istilo ito ng pagba-blog. May mga patalastas. [Kahit ako hindi makapaniwala doon sa isang inang nanganak ng walo sa California.]

May natutunan ako ngayon: Ang public, social, personal at intimate spaces! Salamat sa info. o",)

JoShMaRie said...

natawa din ako sa kowt na yan kuya.

iba talaga ang impact ng pagsusulat na parang kinakausap mo lang ang nagbabasa. naaliw ako at tumigil panasamantala ang paghachhhooooo ko.

kyoket puro pag-ibig ka lately ha? :) advanced labingtayms day post ba ito? :) kuya lahat ng umiibig ay baliw. kapag in love ka saka mo lang magagawa ang mga bagay na hindi normal.

cool off at breaking up pareho lang yun. mas direct at mas matapang lang yung breaking up. May mga kaibigan ako na nag-cool off kuno tapos kinabukasan may iba ng kadate. haysus.

Gusto siguro nilang maging ASTRONAUT kaya kelangan ng space. hihi. corny!

saul krisna said...

wahahaha pebrero na sir! Bakit ganyan mga post mo? hala! pero tama yung equation mo.... di ako naniniwala sa cool off.... kapag cool off ang sinabi sa akin ng gf ko... for sure that means wala na kami... (knock on wood... tok..tok..tok)

taba talaga ng utak mo sir pajay!!!!!

Cutter Pilar said...

usually nga ata ganyan ang kinalalabasan... cool off=break up. ewan ko ba dyan sa mga yan, kung break, break. may paispeys ispeys pa e ganon din naman. ahihihi. trip lang din itong comment ko prof :D pero totoo naman. ano ba naman yung pag-usapan ng maigi ang mga pangyayari at gustong mangyari.

cyndirellaz said...

ayos ang mga patalastas! pino promote mo ba ang eat bulaga? hehe anyway, agree ako sa equation mo. sa totoo lang di ko malaman kung ano ang tunay na dahilan ng cool off eh, dati kc naipag cool off kasi gusto ko malaman kung mahal ba talaga ako ni soulmate, sama no? pero 2 oras lang naman ang tinagal nun! ^^

Chazzel_Sherwin said...

ay nako nakakabaliw talaga ang mga cool-off cool-off na yan! pero minsan nababaliw 'din ako sa sarili ko kung bakit de-cool off cool off pa akong nalalaman eeh. haizt!!!

The Gasoline Dude said...

Natawa ako sa iba't ibang klaseng spaces. Oo nga naman, ba't hindi na lang ganun ano? May tama ka! *LOLz*

Kaswerteng Paolo Contis. Pucha hindi naman kagwapuhan eh ang dadanda ng gelpren. Pfffttt.

poging (ilo)CANO said...

natawa ako sa patalastas. parang commercial ba!

dahil sa patalastas humaba ang space ng post mo..lolz..

call off=breaking up..pareho lang yun na mapupunta sa hiwalayan ng abnormal na pag-iibigan. pero may pagkakaiba din. yung call off nagsisimula sa leter C samantalang ang break sa B naman..hehehe..lols

Amorgatory said...

aba aba at may mga patalastas kapa idol, hakhak, noud ka nang noud eat bulaga no?kapusow ka pala ahahha..at ung mga chismaks mo ha,ay totoo?ung gf ni paolo naging gf ni marc?ay ganun?snu nman un?di kow klala eh, pa tsmis muna hahah..

anwyas ung cool off kasi nagpapahangin lang yan sa labas, ung break naman symfre may kasama na ung kape or di kaya cake or kung anow anow pang mga abo-bot..yun lang un idol kaya wag ka nang magulow ha, leche ka pinahaba mo pa eh,ayus na sana eh,hahaha...but seriousow idol pjay, base sa aking karanasan sa buhay pag-ibig, ung cool off kasi may chance pa yan na magkabalikan, yung tipowng mag-iicip at magmuni muni ang dalawang magjowa sa mga bagay bagay na dapat nilang baguhin at mga bawat pagkakamali na dapat nilang ituwid yung break up ksi as in break na break na, kung baga ung space sa cool of 1 kantow lang eto talaga langet at lupa na talaga ang distansya.un ay base sa aking karanasan ha, pero kasi sa cool off parang naduduwag pa talaga eh, taas sa break up wla na kapalan na nang mukha kaya nsabi na,hahahha..ay nakow bat purow kabiguan ang post mow dito idol wla bang action dyan?ung tipong lumilipad na planggana?hahahah

darkhorse said...

cool off = breaking up medyo sensitive yun ganun kpag pinag-usapan...cguro ayaw lng masaktan ng mabuti kya gamit "cool off" pero kpag galit - break! Either ways parehas din may masasaktan - hope ur ok dre! tc

abe mulong caracas said...

bakit kailngang mauna yung walang kinalaman sa personal na buhay mo? defensive? hahaha

anyway...ang "i need space" ay isa nang showbiz lingo na ang ibig sabihin ay "sawa na kaming mag sex" as in ---> pasok interview dialogue: "we both need space" na parang ang ipakahulugan gusto na namin pareho ng ibang ka tsuktsakan.

kung ang litansya eh "he needs apace na daw" bitter anng nag dialogue nito kasi hindi pa siya sawa sa space kung saan sila nag aanuhan.

kung ang sinabi eh "i need a spacewagon." ah sosyal yan kasi dun niya gustong gumawa ng adventure!

ang linaw ano?

kosa said...

nakakaaliw yung panghuling hirit ahhh.. taena TAMA yun! wag silang excited.. hehehe

tanung lang.. wala ba talaga tong kinalaman sa buhay personal mo? taena.. hindi nga... kung may kinalaman pa nman sayo to sasagutin ko ng malupit na kuro kuro at hula-hula yung tanung mo kung anung pinagkaiba ng cool off at break up.. lols

sige sige pagiisipan ko kung sasabihin ko o hindi.. alis muna ako.. hahaha
babalik ako...pwamis

Chyng said...

Para saken OFF is just the opposite of ON.

Pag hiningan ka ng SPACE sabihin mo sakay cia space shuttle, andun ang outer space!

bomzz said...

Proff! yan mga linyang yan sa mga Patosyal! lang yan... preho lang yan lahat!!

bat di na lang sabihin kasi! BUWAG NA TA! WAY KAY ANGAY SA AKO ITANDI or GI PUL-AN heheheheh

PaJAY said...

-DOKRJ:wala kasing kwenta ang paksa dok.kaya sa patalastas ko na dinaan...hahahaha..

salamat Dok...

-JOSHA:Nawawala na nga ako sa direksyon e...na halata mo rin pala na puro pag-ibig ang post ko..hahahaha...

-SAUL: Hahaha..may taba taba ka pang nalalaman parekoy a...di kaya taLAba yan hindi taba?..hahaha..

salamat parekoy..

PaJAY said...

-PILAR:"ano ba naman yung pag-usapan ng maigi ang mga pangyayari at gustong mangyari."
Naks naman!..galing ba talaga yan sa puso ni pilar?..lolz..

magaling na punto galing kai inlababoo na CutterPilar...hehehe.
salamat...

-CINDY: hahahaha..2 oras?..ang chuwit a..2 oras lang kayong naghiwalay tapos balikan agad?.sana nga kayo na habang buhay ..Best wishes!..kasalan na eno?..lolz...

salamat Cindy..

-CHAZZEL: hahaha...isa ka rin pala sa mga gumagamit ng Cool-off na yan..hehehe..may nahanap ka bang space habang cool-off kayo?..lolz..

salamat Chazzel_Sherwin dude..

-GASDUDE: buti naman at nasakyan mo ang spaces na binaggit ko..hahaha..paiinumin kita dude..hahahaha...

-POGING CANO: lolz..kung walang patalastas malamang wwalang kakwenta kwenta tong post ko..sa patalastas ko na lang dinaan para may magbasa naman..hahaha..

slaamat Pogi...di pa ata tayo nag exlink a?.....salamat ...

PaJAY said...

-AMOR:May punto ka naman aydol e...at alam kong tama ang mga hirit mo dahil ikaw ang bihasa dito...lolz...ang galing mo nga e..

Cheers aydol!...

-DARKHORSE: May tama ka pre!...ayos!..am ok lng naman dre..salamat sa tanong...

PaJAY said...

-DARKHORSE: mali reply ko..di ka pala nagtanong...lolz...salamat dre.

-MULONG: lolz..tama bang dumihan mo ang isipan ng isang batang tulad ko sa pamamagitan ng space na sinasabi mo?...hahahaha..

taena...ibang space ang naiisip ko..hahaha...lolz..

ayos ka parekoy!wala kang kupas!...lolz...

-KOSA:hahaha...nagdududa ka ba?...lolz...alang kinalaman to kosa sa buhay ko ngayon...pero mas gusto kong marinig ang mga opinyon mo tungkol sa bagay na to...kaya aabangan ko ang banat mo...

-CHYNG: o nga naman...di ko naiisip yun a..OFF ON?..hahahaha..

salamat Chyng sa muling pagdalaw...

-BOOMZ:hahaha....UNYA SAMPALONGON DAYUN BA?..lolz...

salamat sa bisita Bai...

JoShMaRie said...

pero ang wish ko ay sana walang kinalaman sayo ang post na ito. :)

kosa said...

hahaha.. inaabangan mo pala yung hirit ko ahhh

ganto yun pareko.. naranasan ko na din yan ahhh.. mga 7 years ago? mga ganun na katagal..lols

nagkatampuhan..
cool off muna yun ang sabi nya.. kailangan daw nyang mag-isip.. magliwaliw at mapag-isa..
nalaman ko nalang na may asawa na pala sya at ikakasal na..

kaya ayun..
cool off at break up, isa yan! pareho lang yan! tipong 95% eh goodbye na talaga.. hehehe

oks na ba? hehehe

poging (ilo)CANO said...

oo nga prof. di mo pa ako add pero add na kita noon pa. dahil bobo ako, hindi ako pwede na maging magna cum lawde. pasang awa kasi grado ko eh, kaya sa w/o distinction na lang ako..meron ba nun..lolzz

=supergulaman= said...

wow space!...ahehehe..ata talagang may sukat...ahahaha...epektib ang joke sa huli lalo na ang mga commercials.. .:D

Dhianz said...

...hihirit koh sanah sau kanina eh abah ang dmeh moh tlgang fans! cuz every post moh ang dmeng humihiritz... pero sinirah moh ang gabi koh!... lolz... hayz... pero kahit ganon eh sige makikibasa akoh ditoh.... actually nagbasa nah...

... kaya ngah i don't believe sa cool off... yeah daz almost d' same as break up na ren... need space need space... sabihin nyoh "spacin moh mukha moh.." lolz... hirit koh eh noh... yan ang mga hirit na nang mejo nawalah sa mood... lolz... hayz ulet...

... i really need to breathe!... etoh kakausapin koh sarili koh.. "yan kc diane... instead gawin ang paper eh may nalalaman pang online online.... eh anoh napalah moh?".... lolz...

... hayz tlgah graveh... now i'm tired, lo batt at walah nang gustong gawin....

...yeah kakalocah yang break up break up nah yan... feeling moh minsan katapusan na nang mundo... nde naman.... marerealize moh later... la kwentz naman palah... nasira lang 'ung mga panahon moh na nawalah... pera moh.... and kung ano pang nawalah...

...hayz i think i need space den... i need space sa mundong itoh... yeah gagamitin koh ang cliche na na linyah... "hahanapin koh lang sarili koh"... lolz...

...yoko na tlgah... uwian nah... alis nah po...

GODBLESS! -di

Dhianz said...

hey... nde akoh galit or anythin' ha... "itz not u itz meeh"... lolz... parang linya nang mga nagbrebreak 'un ah... lolz... pasensya nah po... ako'y sadyang may topakz lang tlgah... ingatz kuya EJ!... GODBLESS! -di

carelesshush said...

haha totoo ba yun patalastas mo? :p

minsan ang cool off nauuwi sa break up..yun eh pag siguro mas nagustuhan ng isang party yung idea na WALA na kayong connection sa isa't isa pero may nga nagcool off naman na nagkakabalikan..i guess sila yun kelangan lang ng 'breathing space', yun bang mashado ng nasisikipan sa mundo nilang 2 and dahil sa ayaw naman iwan ang isa't isa pansamantala munang naglalayo :p


sineryoso ko ba? ala ko magawa eh hahahaha

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Nice trip...

Very showbiz PaJay!

michy said...

OMG! you are absolutely hilariously laugh my ass off funny! hahaha! i love this post!

quick question tho mr. architect... mataas ba talaga ang puno ng kamatis na pwede maglambitin ang tao? kasi ung halaman ng kamatis sa likod ng bahay namin isang dangkal lang eh! ela ela eh eh... hahaha!!!

in fairness, even tho i find it difficult reading (and writing) tagalog articles pinag-tiyagaan ko 'to basahin sa sobrang funny! adiiiiiik!!!=)

Ishna Probinsyana said...

Naku. Cool off at break up. Matagal tagal ko na ding hindi nagagamit ang mga konseptong yan.ehem*bitter*ehem. HAHAHA.

Sa tingin ko hindi na kelangan ang cool off. break na kaagad kung break! ganun din naman eh. Eh kdi kung marealize na mahal pa din ang isat isa, eh di get back together. Kase hindi ko din maintindihan dati ang 'cool off' na yan. kase nga tingin ko eh pareho lang. haha!

P.S.
Kapuso ka? EWW. hahaha. Joke lang! ;)

paperdoll said...

haha. . sa mga patalastas aco naaliw. . showbiz na showbiz at hindi halatang nanonood ka ng eat bulaga. . lol

naguguluhan din aco sa cool off na yan. . anuveh? minsan ginagamit ata yan para susyal lang. . parang boonga kasi pag sinabing "i need space". . makapag english lang paminsanminsan at di puro i love you at i miss you. . hehe. .

wala din acong alam dyan kaya hindi na rin aco magmamarunong. . lol

Dylan Dimaubusan said...

Epal one.

Eh baka naman kasi Outer Space!? Wala lang.. Di mo kasi nasabi eh..

Basa mode ulit.

Dylan Dimaubusan said...

Hmmm, walang kinalaman sa personal na buhay???

Now curiousity creeps in.. hmmm. really?

Eh ba't defensive ka ata?

Wahahahahahahahahahahahahah!
Ubo! UBo!
Naubo tuloy ako..lolz

PaJAY said...

-JOSH: wala Josh wala...hehehe..salamat..

-KOSA: kung ano man ang iyong naramdaman sa experience mong yun parekoy.sana ibinaon mo na..importante Pogi pa rin Tayo...lolz!...

-CANO: Na add na kit aparekoy..salamat...

-GULAMAN: hahahaha...walang maisip na space e.kaya Architecture muna...lolz...

PaJAY said...

-DHIANE: ano pa nga bat andito lang naman ako para dumamay sayo..naks..kung ano man ang pinapasan mo ngayon sana matulungan ka ni LOrd at syempre ako at sampu ng mga blogero dito...hehe..

Relax Dee..Everything will be ok...

-CARELESSHUSH:hahaha..halata ngang ala kang magawa..ang haba ng comment eh..lolz..
salamat neybor...

-LIONHEART: Bad trip ! kamo Lionheart..lolz...

medyo showbiz nga...lolz...

-ISHNA: hahaha...ang lagkit ng Eww a..lolz...walang iba e...ala kasing TFC dito...lolz...

-PAPEL:e yun lang ang palabas na Pinoy e....lolz..kung kelan tumanda saka pa naging Jologs...EAT BULAGA?..hahaha..lolz..

salamat Papel..

PaJAY said...

-MICHY: Salamat salamat salamat Mcih sa pagdalaw at kumento...

halatang binasa mo lahat a...pati puno ng kamatis napuna mo ?..lolz...ewan ko rin bat kamatis ang naisip ko...hahahahaha..

salamat agen...

-DYLAN: Ayan..pakealamera kasi kaya nauubo...hahahaha!...defensive ba kamo?..hahaha...bahala na silang magisip...hehehe..

salamat Dylan...Cheers!...lolz..

enjoy said...

ayus pala dumaan dito. daming labing-labing na topic. hehehe!

bsta ako isa lang ang alam ko - if you're happy, stay. if not, leave. wala na dapat echos. kung hiwalay-hiwalay para di na kumplikado. aus ba yun? may space space pa silang nalalaman. sus! :D

Search Here

Popular Posts