Saturday, February 21, 2009

ADIK SA BLOG

DI ko man lang napansin na 50th post ko na pala 'to.Biruin mo nga naman...Kahit tamad akong magsulat umabot na pala sa singkwentang kwento at kuro kuro ang aking nalathala tungkol sa aking buhay,buhay ng ibang tao,kwento tungkol sa "greatest ever" LOVE na yan! at sari saring istorya na umubos ng inyong oras at sumira ng inyong ulo dito sa blogosperyo...di ko rin naramdaman, limang buwan na pala akong nakikigulo sa blogsite nyo at wala sa malay ko umabot na pala ng 109 ang blogroll ko...konti kung ikukumpara sa  listahan nyo pero mas maramee eto kesa sa friendslist ko sa boring na peysbuk (lolz) at halos kapantay na ng friends ko sa "hackers" on friendster at multiply account ko......mas masaya ang blogosperyo kaya di ko masyadong napansin ang oras na ginugol dito dahil bloghopping pa lang kulang na ang kalahating araw na nakaupo lang ako sa opisina... 

Anyhow,dahil 5oth post ko to at kahit wala kayong pakealam kung 1st o 5oth man 'to! wala rin akong pakealam dahil magbibigay pa rin ako ng premyo.bahala kayo!...nyahahahaha..LAKING PASASALAMAT ko sa lahat ng bumibisita at nag iwan ng kumento sa bawat entry ko at lahat ng napilitang nag follow sa "KLASRUM NI PAJAY".sanay umabot ako ng 100,150,200 at 1000 post....takting yan!..buhay ka pa!? 1 tawsan!.....lolz.....oi! 'san na nga ba tayo?..ah sa premyo.Yun nga..nais ko sana muling maghandog ng isang "Caricature drawing" sa sinumang bibisita sa bahay ko at magkokumento sa entry na'to na pang__?__. di ko muna sasabihin kung pang ilan ..basta yun na yun...tsambahan nyo na lang.lolz...medyo matatagalan pa ho kasi ang ginagawa kong guhit para sa inyong lahat kaya minabuti ko na habang nagaantay ang karamihan bibigyan ko muna ang isang mapalad/malas na  blogero.lol

AT dahil gusto ko na hong matapos na ang obra  para sa inyo.................tatapusin ko muna at medyo marami na ho ang miyembro...tapos ko na ho ang 60 miyembro kulang na lang ng 50...tama,50 pa nga ang kulang..medyo marami-rami pa yan...sumasakit rin minsan ang hinlalaki at hinkukulangot ko kakadrowing kaya slowly lang ang tiyempo...hehehehe...Muli po salamat!...kita kita na lang tayo sa "BLOGGYWOOD" cocktail party mga katoto...takti!parang totoo a...(sa mga wala po'ng idea sa pinagsasabi ko.DRAWING ng mga blogero ang tinutukoy ko)...o sya!..hanggang sa muli mga katoto.medyo may sakit rin ako dulot ng pagbabago ng Klima dito sa gitnang silangan...aabangan ko na lang ang mananalo sa 50th post ko na'to at gagawin ko agad ang walang halagang premyo mo.lolz...

Kitakits!....

Pahabolhabol: CONGRATULATIONS! sa lahat ng kaibigan nating NURSES dito sa blogosphere na pumasa sa katatapos na BOARD EXAM.. at DAHIL PASADO na kayo sa wakas,GOODLUCK sa pagharap nyo sa mas matinding  hamon ng buhay ....CHEERS mga bagong NERS!......sa mga di pinalad-Never confuse a single defeat with a final defeat.

89 comments:

Mike Avenue said...

Una?

SuperGulaman said...

weeeepeee....naks 50th na sya...congrats...mauna na ako...baka ang prize ay paunahan.. :D

SuperGulaman said...

waaaa...ambilis nun ah...2nd tuloy ako...:D

RJ said...

Congratulations din sa pang 50th post mo Prof! Parang kailan nga lang nagsimula itong Klassrum ni Pajay... Ngayon sikat na, pati ang propesor na takuza (?!) sikat na sikat na rin!

May ginagawa ka na naman palang drawing ng mga bloggers, Prof?! Hahaha! Excited na akong makita ah. Kapag nandyan ulit ako sa drawing mo, sana may hawak na akong manok, ha. Identity ba. Uhmn, cocktail pala?! Sige, may hawak na fried chicken nalang, 'yong drumstick. o",) Aabangan ko ang drawing na 'yan, Prof./Atty./Architect Pajay!

Mike Avenue said...

Atat na akong makita ang drowing ng party na iyan. Kahit weyter lang ako ok pa rin. Ang mahalaga nakasama ko kayong lahat. MAbuhay tayong lahat!

Salamat, Pajay!

RJ said...

SUPERGULAMAN
Pareho ang oras nung pumasok ang mga comments (Comment nga ba?! ops huwag mapikon.) niyo ni Mike Avenue. nagkataon lang na alphabetical ito (tama ba?!), letter 'M' siya, ang sa 'yo ay titik 'S'. o",)

[Pasencya na Prof. nakialam ako rito. U]

Nebz said...

Dahil 50th post mo to, may premU ung 50th comment?

Congrats.

Umasa k, babalikan kita to watch out for the 48th comment. And then...!

I liked your last line: Never confuse a single defeat with a final defeat.

Never ever!

jhosel said...

wow congratz ATTY! ika 50th mo na palang post! wohoo!

at salamat sa pagcongratulate sa mga bagong nurse. nakasama ako dun kuno. ahaha.

sige, kitakits sa cocktail party. lol.

bomzz said...

Naku maraming yatang mag aabang sa pang pipte mag comen....hehehe

kongrats proff...sulat din ako nito nasa 44 na ako hehehe

jEn said...

weeeeeeee pano na un eh dalawa kaming nakakomento ngayon dito.. joint forces kami hehehe..... hmmmmm asan na yung rekwest ko prof? ung kapiranggot na hotair balloon? ahihihihihihi -yanah-

eksayted na kami sa cocktail party ng bloggywood fifol. happy 50th post prof! -jen-

Amorgatory said...

yko nang prize na yan, hahah pakialam kow idol kung pang ilang entry na ba, nakakasira lang yan nang utak if iicipn kow,lolness,congratS!happy anniv sayow pala ditow sana matapos na ung 50 lol jowk lang

hidden said...

..ah, dinodrowing mo pala ang mga bloggers..aabangan ko yan pajay dito sa klasrum mo..eheheks!
...congratulations at nasa 50th post mo na ito..tuloy tuloy lang..

poging (ilo)CANO said...

wow..naka singkwneta na xa..congrats

congrats din sa mga nurse na pumasa..pa canton naman kayo jan..

prof hindi ba nagkakalayo ung bilang ng post mo sa edad mo?hehehe..lolz

kosa said...

wow.. nalampasan ko ang malas trese.. pang labing apat ako...
datapwat sa makatuwid!

ako ang Pinakamapalad..
lols pinakamalapad pala..
pinakamalapad na Muka..lols

taena..

Kongrats sa 50th post mo..hehehe ako nga di ko alam kung ilan na din ang nalalathala ko.. mabilang nga din..hehehe.lols.. halos magkasabay lang pala tayo sa Bloggywood? sept. o october ako nagsimulang maglimbag ng mga libag na walang kwenta eh..lol

at tulad mo, kapag nakaPipti na din ako gagawa din ako ng Ganito..hehe

kitakits parekoy..

PaJAY said...

@MIKE:
hehehe...tingnan natin...lol.

front row ka parekoy syempre...

@SUPERGULAMAN:
sabay pa kayo ni pareng mike...malufeet...lolz..

@DOK:

tapos na ang left wing ng banquet sa drowing dok..at kasali ka dun...may manok pa rin...lolz..

salamat DOk..

@NEBZ:
hahaha..di rin aabot ng 50 to sigurado pero malay natin...lolz...

salamat parekoy!..

@JHOSEL:

naks!...walang anuman RN jhosel..

congrats ulit...kitakits!..

salamat..

PaJAY said...

@BOOMZ:
hahaha..maramee yang 50..pero malay naten yun nga ang lucky number...lucky nga ba?...lolz..

salamat parekoy!..

@YANAH at JEN:

gagawin ko..pwamis!...hehehe...hangdaya a...dalawa sabay...lolz...ayos lang kung kayo ang papalarin dalawang mukha isang katawan ang idodrowing ko...lolz...jok..

salamat Yans at JEn..

@AYDOL AMOR:

tae ka aydol!..lolz..pagnatapos ko ikaw ang unang makakaalam..pintasan mo muna bago ko ipopost...owkie?...lolz..

salamat aydol..

@HIDDEN:
may tama ka!...at kasali ka nga..kaso isa ka sa mga hinulaan ko lang ang mukha..la ka kasing larawan sa sa pahina mo...lolz..ewan kung tumpak ang hula ko...

salamat sa bisita..

@POGINGCANO:

hahaha..taena!..hindi siguro!...lolz...post ko lang ang singkwenta,post lang!....lolz..

salamat parekoy...

@KOSADUDE:

honga..sabi ko nga sayo sa ym e halos magkasabay lang tayo...taena!...kinalimutan mo na?!...hahahaha...abangan ko yang 50th post mo..pero bago ang lahat..nominate muna kita sa bahay ni pareng BINO...

tagay dude...

p0kw4ng said...

malamang eh yung pang 50 din na nagkoment ang gagawan ng drawing,hehehe

pero magiiwan na din ako ng bakas at baka sakaling gawan mo lahat..hahaha

congrats at more post to come!!

PaJAY said...

@POKWANG:

nyahahaha....ang dami nun a.....isa isa?...lolz...

salamat powks...

~yAnaH~ said...

wag poh!
wag naman poh ganun!
hindi ko kakayanin na 2 mukha sa iisang katawan.. nyahahahaha
imaginin na lang kung magkasama pagmumukha namin sa iisang katawan ni jentot.. weh! friendship kami, pero ay dont layk dat kind of friendship na magsasalo kami sa iisang katawan hahaha

Desert Aquaforce said...

ooops...hindi pa ito ika-singkwenta na angal. binilang ko ika diez y seis pa lang (di kasali ang sa u Prof). ika labing lima kung di kasali ang double entry ni super gulaman...hahaha
happy 50th (golden) blog... kung tunay na ginto lang sana pwede nang isangla sa Tambunting or sa Lhuiller.
Pero tama ka Prof. nakaka-adik nga ang pag-boblog. sabi nga ng tunay na adik, e nabasa ka na, lumangoy na lang.
Sige mag-abang na lang ako. counted ba kung double comment? or triple?

paperdoll said...

aco may premyo! pang bente uno! lol

paperdoll said...

sige ka pag hindi aco yang nanalo hindi talaga aco mag cocomment!

paperdoll said...

ahmm. . baka matyambahan co kaya dadamihan co na. . hahaha!

paperdoll said...

tama na nga. . last na talaga to . . baka sabihin mo binababoy co na ang comment. . ano ba tawag dito? hehe

wow! pang 50 mo na! icecelebrate co rin ung akin. .

takte! pang lampas na pala ng 50! sayang din co naipagsigawan ng ganito. . wala din kasi aco ipapapremyo eh. . tibak na lang ni mameng pag naka 100 na aco. . hehe. .

oi oi oi! ano sakit mo? aco din meron eh. . amnesia. . ano ginagawa co dito? haha. . ewan pajay! antok na co! haha

gillboard said...

sa ika-25 sana, para kalahati ng 50!!! asa pako!!! hehehe... maligayang bati sa iyong pang50 na post!!!

Mr. Thoughtskoto said...

wahaha, magaantay ako na ako pang50th commenter, baka manalo sa paraffle!

ay bakit ako nagcomment? :)

Counted pa ba ito? pwede ba magcomment uli pagkatapos nito?

Congrats po prof, 50th post mo na, adik ka nga, eh ako, pang 470 post ko, ano kayang tawag saken?

nyaHaha!happy blogging po sir!

^_edSie_^ said...

hwow.. congrats prof! :)
titingnan ko na lang kung anuman ang maidrowing nyo. :)

carelesshush said...

ay naku! pang50 malamang ang may premyo! bwhahahahah..sabi d2 pang 28 palang ako balik ako at itry ko abangan ang pang-50 na comment bwahahahah...

congrats at naka50 ka na..ako nga gusto ko na ituring ang sarili ko na makaipon ako ng 31 entry (kadalasan walang wenta) at magstay ng almost 1 year sa isang blogsite hahahah...

isali mo ko sa cocktail party at gandahan mo gown ko :hmf: hehe

PaJAY said...

@YANAH:

hahaha...pagdikitin ko na lang kayo..kalahating mukha kai Jen hati rin sayo...lolz..

@AQUAFORCE:

nabasa ka na, lumangoy na lang....hehehe...may tama ka boss!...adik ka na rin ba?...lolz..

salamat parekoy..abang abang na lang muna...hahahaha..

@MANIKA:

nyahahahaha....ayos yan Papel...malay mo nga naman isa jan ang unlucky number..lolz..di ba pwedeng tbak mo na lang ang premyo sa 100th post mo?...lolz...juk lang..

salamat papel..

PaJAY said...

@GILLBOARD:

pwede.....malaki ang tsansa mo dude....ayos!...hahaha...

salamat dude sa muling pagbisita..

@MR.THOUGHTSKOTO:

kahit ilang balik pwede parekoy...welcome kayong lahat dito sa bahay ko...

salamat sa bati...blog ng blog din parekoy!...

@EDSIE:

nice to meet you...(",).

salamat sa bisita...

@CARE:

hehehehe...anong gown ba gusto mo?...bilis!...lolz...

salamat care!..

Lord CM said...

Pwede pa ba akong sumali? lolzz, ok na ako dun sa prize na bigay mo sa akin..tama na un at baka maubusan ako ng ka-bhlagggg :D ...

Congrats pre, at sanay umabot ka ng 1 million na post :D

carelesshush said...

waaaaaaaa pang #32 pa lang ako..target ko pang #50 eh, hmf!

by the way, gusto kong gown yun fus..fuch...RED! gusto kong gown ay RED gown! nyahahaha

Jez said...

happy golden post sa iyo prof!
sympre hindi pang 50 ang comment ko, pero isipin ko na lang 33 ang age mo at un din ang winner sa pakulo mo..heheheh...syet, pang 33 ang numero ng comment ko! hahahha

kung si doc may dalang tsiken, pwede ko bang dalhin ang aso ko sa cocktail party? hehehe...

PaJAY said...

@LORDCM:


hahaha...walang exempted pre...lahat kasali...
malay mo nga naman ikaw ulit...lolz..

@CARE:

hahahaha...o sya at papadesenyo ko pa kai rajo laurel damit mo...lolz...

@JEZ:

nyahahahaha...33?ako....lolz...

pero wu knows nga naman..baka nga 33...hehehehe..

salamat...

Dylan Dimaubusan said...

ISa ka ngang adik! 1 thousand?! Why not?! Adik ka nga eh!

Ok lang Pajay wag mo madaliin wala namang namppressure sayo eh, wala ba? Ang dami naman kung 100 + na ang nasa blogroll mo.. Sikat na sikat ka na.. Pa-autograph!!!

Summer said...

Hi poh!
Ang ganda nman ng post moh fwen..=)
Keep on writing..sana mksama akoh jan..=)
CONGRATZzzzz...

I am Bong said...

ang pinaka-late mag-comment? malay natin, ang pinaka-last magcomment ang may prize. hehe. joke

congrats sir pajay! malayo-layo narin pala ang nalakbay mo. i'm looking forward to read more of ur posts on the coming days and years.

happy blogging and keep rocking the blogosphere!

Chyng said...

ako yung mas late!

at nagcomment pala ko sa 25 things mo..

chenelin bumblebee said...

meganito ka na prof? :) paano kung ako ang makachamba? :P

chenelinbumblebee said...

dagdagan pa natin para umabot na sa fifty... :P

PaJAY said...

@DYLAN:

nambola na naman...lolz..

salamat bes!...cheers..hehehehe

@SUMMER:

nyahahaha...susubukan dre dont wori...di pa naman tapos e..

salamat sa bisita..

@BONG:

kaw rin bong keep on blogging and rockin...

salamat!...

@Chyng:

Salamat miss Chyng...

kitakits...

@Bumblebee:

hehehehe...ewan ko ba dito sa mga pinaggagawa ko...pero ayos naman..na enjoy ko ang pagdrowing ng mga mukha nyo...lolz...

Amorgatory said...

hahaha as in ppinatasan pa tlaga ha, eh andyan na yan eh kesow magmukha akowng mermaid sa drwaing wla na dn akow mggawa hahaha...peace out idol

The Pope said...

Kograts Prof sa ika-50 mong panulat, aantayin ko ang ika-100 mong post, purihin ka.

sino bumaril kay jake cuenca? said...

parekoy hindi kasi aco nagamit ng pang ilalim eh. . hahaha. . kung pwde nga lang wala ng damit. . lol. . ito ang juk lang:P

wala pa ba? hindi pa ba aco ang nanalo?

^_edSie_^ said...

pasali pasali..
talaga bang pang-50th comment ang labanan dito? hindi pa ko abot.. huhu..

jhosel said...

aba ika 5th day na nitong golden post mo ah. ninanamnam pa ata. ahehe. at talagang nagaabang lahat sa ika 50th comment. ahehe. pano yan ika 45th post na itong akin.. 5 to go.. ahehe. wala naman akong balak gayahin yung ginawa ni manika. lol. malay nio ika 45th post pala ang mananalo.. lol.

hay ewan ko. napadaan lang po ATTY! sige. ciao!

jhosel said...
This comment has been removed by the author.
jhosel said...

*aw ang tanga ko!! nakakahiya naman. urgh! lol. ika 46th pala ako. at ika 47th ito technically. at 4th day palang. ahaha. hay naku. kala ko feb25 na ngayon. excited. lol.

3 nalang oh. gogogo! haha.

sige alis na ako! c ya sa cocktail! lol.

chenelin said...

makikigulo.... :P

chenelin said...

kuya.... ika-ilan bang commenter yung mananalo? hahaha. ang hirap manghula...

chenelin said...

pwede bang ako na lang ang pumili ng mananalo? :P

The Gasoline Dude said...

Pa-Jay! Kasama ba ulit ako sa caricature drawing na 'yan ha? Hehehe. = D

Congrats pala, at keep on writing. Woot! = P

carelesshush said...

waaaaa pang-53 na ko..nalagpasan akoooo..nakatulog lang ako..lagpas 50 na waaaaaaaa..pwede bang pang 53na lang yun winner?! hahaha..

pangarap ko kasi ang maidrawing ang face ko sa internet hahahahah

PaJAY said...

@AYDOLAMOR:

syempre ikaw and magsasabi kung pangit ba ang drowing..lolz...gagawin kitang marilyn monroe...lolz...

@POPE:

ang tagal pa ng 100..hehehehe ...purihin ka rin THE POPE..salamat sa bisita..

@EDSIE:
not necesarily 5oth pero pwede rin..hehehe...salamat sa muling pagdalaw..

@JHOSEL:

hahaha...4th o 5th day isa lang ang ibig sabihin nun...wala pa akong maisip na post...hahahaha..

may nanalo na ba?..wala pa ata...lolz...

@GASDUDE:

aba...mawawala ba ang gasdude sa drowing?...syempre hindi...lolz..

salamat sa bisita dude..

@ SINO BUMARIL...

hahahaha..kahit ikaw ang mananalo di rin naman kita kilala...lolz....

salamat sa bisita..

@CHENEELIN:

isa pa to nagtatago rin...lolz..

salamat sa bisita..

PaJAY said...

@CARELESS:

hahaha..tinaghali ka ata ng gising a....yun lang ba gusto mo?....madali yan!...pagawa ka sa mga propesyonal tapos post mo...hahahaha....jok lang...

madalaw nga bahay mo...ingatz neybor...

jhosel said...

haha! ganun? makakaisip ka rin niyan ng bago.. ahaha..

ala pa ring nananalo? i-give away mo na lang kasi. lol.

vanvan said...

congratz po...

mabuhay po tayong lahat

Desert Aquaforce said...

Hay naku Prof, nakatalikod lang ako ng sandali lumampas na ng singkwenta ang comments...huhuhu.

Kagabi pa ako nag-aabang pero nasa 44 pa lang kaya sabi ko mag-antay na lang ako ng sandali...e pagbalik ko kalassssss!

siguro sa 51st, 52nd, 53rd...meron pa ng drawing na patimpalak...hehehe!

payatot said...

oi, pajay, hapi 5oth ha..kung tao lang yan matanda na sya at dahil 50th post mo to kaya hapi buda de plata sayo tol...

Mr. Thoughtskoto said...

prof, late na akooooooooooooooooooooooo! hindi n ako pangfifty! ayan alas 5 ng umaga binista ko na para makatagpo, kahapon, pang 43 pa lang ah! now, 58 na daw, lagot talo ako. hehehe


Boboto na lang kita sa Expats blog awards sa April, drawing mo lang ako ha. hehe, hindi nga... seriously...


Thanks for voting me, pero parang may hello garci, kaya wag na lang natin mind.

jhosel said...

aba ika 61st na to. lol.

wala lang nangungulit uli ATTY! lol.

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
desza said...

waaaahhhhh.. nahuli na akech!
open pa ba to? pajoin!hehe

Congrats po! sana umabot pa sa 5o to the 10th power ang posts mo! Adik talaga!

>>nga pala, ito lang ang klasrum na enjoy kong pasukan.naks!
(sumipsip ba?^^,)

JAJA NOBLE said...

congrats ej!super sikat ka na!pa-autograph nmn!

mightydacz said...

hi sadiq pwede pa ba akong mag enrol sa klase mo gusto ko magjoin nakibasa ako masaya pala sa klasrum mo napasaya mo ako habang nagbabasa napakinggan ko ang batibot love it wheww.kitakits

PaJAY said...

@JHOSEL:

nyahahaha..wala naman akong isip e...lolz..bahala na...apir Jho!...lolz..

@VANVAN:

salamat Van...

kitakits sa bahay mo..

@DESERT:

nyahahaha..ok lang parekoy...mahahanapan ng paraan ang solo drowing mo..di naman 50th ang lucky number e...hehehehe

@PAYATOT:

salamat dre sa pagbati..ang sagwa a...bati na lang...lolz..

@MR.THOUGHTSKOTO:
lolz...kahit wag mo na akong iboto parekoy..mahahnapan ng taym ang pagdodrowing e..no probs..

salamat parekoy..

@JHOSEL:

ano pa ba masasabi ko sayo?..lolz..

salamat ng maramee..appreciated ang pangungulit mo dito..apir!...lolz..

@DESZA:

naks di naman halatang nambola e..ayos lang..lolz..

salamat des...

@JAJA:

autograph ka jan!..buraot!..ikaw ang sikat hindi ako...

papakasal ka na nga ba talaga?...lolz..

@DACZ:

naks...ayos sa banat parekoy a...lolz...kagagaling ko rin sa pahina mo dude...mas astig...informative na post...

salamat sa dalaw dude...

daughter =) said...

ibah na tlgah ang sikat... 67th comment nah toh... nde koh atah nabasa lahat... nabasa koh lang atah 50th comment moh nah toh at 'ung huli congratulations... 'un.. at least may nabasa akoh... ingatz lagi itay... nga palah 'la pah 'ung baon koh ahh... san nah? lolz... salamat sa libreng tawa... ahh...sendali dehinz palah libre 'un.. lolz... laterz itay... *mano po*.. Godbless!

anak na sisa =) said...

50th post palah nde comment... toinks!... kinorek koh lang... =) etoh oh pang-68th koment nah sau... =)

anonymous daw =) said...

pang-69th koment... nanguletz eh noh...

Tu Hija =) said...

ahhh.. isa pah... nd i'm out... wehe.. hwag na ipaalam kung sino akoh... anonymous nga daw eh.. okz... ingatz! you have a nice day... =) oh pabati.. HaPPY BiRTHDaY!.. lolz

Adios! Hasta Luego Mi Padre... "Cuidate mucho!"

peace out! nd Godbless!

Anonymous said...

71st koment =)

Anonymous said...

72nd koment =)

Anonymous said...

73rd koment =)

Anonymous said...

pampatanggal lang nang stressed koh ang pangunguletz.. lolz.. i'm out na tlgah... =)

Rio said...

crossfingers*
sana ako yung swerteng manalo..
hehe
napadaan lang po at nakibasa..
sumali nadin po ako sa pakontest nyo=D

Rio said...

nalimutan ko palang kayong i congrats para sa ika 50th post nyo..
congratulations...

pampadagdag din po ito ng entry baka sakaling palarin..hehe

baklangbumblebee said...

namamayagpag ang blogging karir mo...

Cutter Pilar said...

BLOGGYWOOD lol. bollywood ang dating prof a! :D niadd na kita sa ym di lang tayo nagaabot :) ingat po!

michy said...

grabe parang raffle entry pala pag nagcomment dito! but im not really that lucky in raffles...i think the best prize i got was a box of drinking galsses na mukang 10 years na sa cabinet...

but you know, if only you get like a dollar or something for every comment you get on each article ang yaman mo na siguro prof! hahaha!

chrix said...

congrats to your 50th post. may you have more post to post. :P

Amorgatory said...

IDOL WAG NMAN MS MONROE BAKA AKLAIN NILA NAGPA GAWA AKOW HAHAHAH

kalyo galera said...

naks
*abot kamay, ishashake! :D
CONGRATS po!

Dylan Dimaubusan said...

So wala ka nang maisip ipost o busy ka sa pagddrawing?

Hula ko bubunot ka lang ng numbers from till what number na ang comment mo.. Inaabangan ka tuloy.. Ahaha.. Hala kah!

:)

onatdonuts said...

mantakin mu nga naman oh 50th post na pala ito?

congrats... aasahan namin na dadami pa ng dadami ang mga nakakaaliw mong posts. :-)

^_edSie_^ said...

may nanalo na ba dito? ei prof, inaabangan ko na drawing mo ei.. :)
salamat nga pala sa pagdaan sa aba kong blog.

JoShMaRie said...

wala pa rin bang nananalo? tsk...ang tagal naman... hehe. miss you kuya ejay!

hindi na ako makikisali sa contest mo. magpapagawa na lang ako ng drawing syao..sa ayaw at sa gusto mo. hehehe.

abe mulong caracas said...

taena huli na naman ako...bagal kasi ng sasakyan ko...kakarag karag na!

sa party ng 100th post na lang ako hahabol sa party at painom mo prof.

sa ngayon congrats na lang muna

Elizabeth said...

congrats sa 5oth post mo, oo nga ang tamad mo, hehehe, 5oth pa lang to e ang tagal mo na sa blogosphere! :)

Blogger said...

Did you know that you can create short links with AdFly and earn cash for every click on your short links.

Search Here

Popular Posts