Wednesday, March 18, 2009

HANGAL NA KAMOTE

Kung gaano kaeksayted si YANAH sa pag-uwi next week sa pinas..ganun din ako kaeksayted magblog ngayon dahil takte!...tagal ko na ring di nagpost!.. …..hehehe...nitong mga nakaraang araw  kasi ,pabalik balik ako na parang sipon sa dalawang ospital para sa ibat ibang uri ng eksaminasyon...  minasaker na ako ng xrays (6x ata ) at hematology/skintest/inhalation/ekek since last month hanggang kahapon  habang ako'y  inoobserbahan...nung martes,sa wakas! natuloy rin at tapos na ang  CT scan ko at MRI..at may nakita raw silang lymphoma na benign naman daw (mga ners wrong spelling ,wrong!..hahahaha..pwera biro ang dami kong mga bagong term na narinig sa ilang araw ko sa ospital ..ang tanga ko pala!...lolz.isa pa yang CT scan na yan na ang alam ko ay sa ulo lang..hahaha..pwede rin pala sa ibat ibang parte ng katawan..hahah)...kahapon natapos na rin ang Biopsy at Ultrasound ko na medyo badtrip dahil di ko alam halos buong araw pala akong tulog dahil sa mga anik anik na laman ng hiringgilya na sinalpak saken! di tuloy ako nakapagbloghop at nakapagtxt kay mahal ...heheheeh... Pitong doktor ang nag-aasikaso sa akin ,lahat ay may  ibat ibang opinyon kaya ako mismo napagod na rin sa ukay ukay nilang opinyon   kaya nag sitbak relax na lang ako habang inaantay kung kelan sila matatapos sa pag-eeksperemento saken.kaya di ko rin alam kung ano ang tunay kong kalagayan...lolz....marami kasi silang hinala kaya di-matapos-tapos ang orders nila  for further test ..dahil sa complex kong kalagayan...minabuti nilang  pag eksperementuhan ako ng mga Kamote at mabahong bungangang intern ng hospital nila (amoy toothpaste nga ang hininga, malansa naman!..lolz).nagsimula yun nung martes din,puro interview portion...lolz...ewan ko ba sa mga doktor nato!...e   PNEUMONIA at LUMP sa dibdib lang naman diagnosis saken dati..napakasimple at curable kung tutuusin.kumbaga,kayang kaya!...hehehehe..e kaso di nila masigurado dahil pwede raw na ang pneumonia ko ay may koneksyon sa lump ko sa dibdib or vice versa..kaya tanungan portion  ulit kahapon  with the "power breath" interns!...hehehehe......at dahil sa aking mga Medical records at history na nalaman nila wc is yung dati kong operasyon sa Hernia,yung esophagositis ko,dextrocoliosis,at yung aksidenteng dinanas ko,buti naman at sana naman may nakuha na silang konklusyon!....at dahil nga sa magulong medical records ko at di magkatugma ang mga symptons  dahil malakas pa rin ang sex appeal ko ,e este katawan pala..ni hindi nga ako nilalagnat,nauubo..i min ok naman ang pakiramdam ko..... kaya ayun..biopsy "Ulit"ang huling medical procedure at ginawa na nga nila kanina bago ako sumibat ng ospital dahil gusto ko ng magblog....taena!...lolz... ...eniwey, tingin ko naman alam nila ang kanilang ginagawa kaya sige na nga!...pag-aralan nyo na kondisyon ko jan habang nagbablog  ako dito..assignment nyo yan dok!......lolz...

…'Nga pala,pansin ko mas takot pa ang ibang tao kesa sa akin dahil sa mga test nato..parang ,nung sinabi kong isi CT scan , MRI at Biopsy ako..parang ..HUWAAAAAT!?..ganyan halos ang sagot..lalo na yung mga malalapit na kaibigan…takte!....ang O.A nyo!...hahaha.di naman lahat ng sini CT scan e malubha ang sakit....di ko na nga binanggit kay mahal na inultrasound din ako (to check the  abscess daw) dahil baka lalong mag alala at isiping buntis ako..lolz (pwede rin pala sa lalaki ang ultrasound..hangal e!...lolz)........wala naman kwenta ang mga scan scan at MRI biopsy biopsy na yan..lolz...pinapasosyal lang nila para sa mga ospital na kunwari bigatin e yun naman pala  tamad lang yung ibang doktor kaya ginagamitan ng makina…e di ko naman gastos e…bahala kayo! kahit lagyan nyo pa ng chip ang katawan ko e ok lang basta libre!....heheheheehee..atlis nakahiga at upo lang ako at may sweldo!hahahahaha! at nasubukan kong pumasok sa mala simboryong kabaong na makina o sa MRI bed na pampelikula…hahahaha...lolz…simpleng ubo lang naman ang reklamo ko dati tapos eto ngayon,sandamakmak na test agad…malamang sa linggo psychiatric test naman..lolz…at samakalawa unit test tapos periodical test…hahaha….korni a!..(epekto ng mga droga..hahahah) aaa! ewan ko ba!....nilalagnat na rin ako sa mga test test nila…baka hindi findings nila ang ikamamatay ko kundi kunsumisyon dahil puro na lang reschedule ng reschedule sumasakit na ulo ko tulad ng sakit ng ulo na idinulot ng 9 na pulis maynila na nahuling nagttxt lang on duty…hahaha….tapos push ups lang ang parusa…leche!.heheheeh……...ganunpaman..salamat sa mga nagalala ..naks!...ok lang ako...hindi to seryoso..mild lang!...lolz.....maepal lang talaga mga doktor dito kaya daming ek-ek chorva...heheheehe..

Nasa accommodation lang ako ngayon at nagpapahinga  dahil ooperahan na ako sa wakas ngayong sabado at kabilin-bilinan ng egyptian doktor na magblog ng maayos e este mag rest pala para mas kondisyon ako sa sabado...ayoko ko kasi sa ospital mag antay!..e pwede namang umuwi sabi ni dok kanina e di uwi!...lolz.. kaya eto,pahinga muna ako ngayon at bukas ........at sa  sabado, medyo mawawala muna ulit ako...sa hospital departments muna ako mag Hopping saka na ang bloghopping..hehehehe...baka kasi mapasarap ang tulog ko sa ospital ng ilang araw at tatamarin akong mag internet...hehehehee...kaya di ko sigurado kong magagawa ko ang mga tag na ipinasa nyo ...malamang next week na lang kasabay ng cocktail drowing na eksayted na rin akong ipost.. mag babakasyon muna ako sa ospital at magpapasarap...watch ng tv,text text,net at chat ng konti  ..heheheeh..dito kasi walang pushbutton para may lumapit ..e sa ospital meron,ners pa!..hahahaha..
Kitakits repapeeps!....
********nga pala ulit...alam nyo na siguro kung bakit di ko pa napoposte ang aking trip na Cocktail Drowing ng mga blogero.hehehehe..matatapos na actually ang obra kaso kailangan ko pang siguraduhin kung kumpleto na ang cast at baka may mag tampo na naman at hindi na dumalaw dito sa bahay ko tulad nung unang drowing ko..(hanggang ngayon di pa rin dumadalaw dito yun..nagtampo ng todo..hehehe..)..kaya ngayon ayaw ko ng magkamali at baka maging issue pa..gaya nga ng sabi ni Jomari Yllana ,”im trying to handle my situation in mature way” habang tinatanong tungkol sa hiwalayan nila ni pops cola…hehehehe….


48 comments:

Pilar said...

anong kamote? may kamote ka ba? ano bang meron kasi sayo? mahal pa naman paospital ngayon!

Nebz said...

lymphona na benign? e d nakakatakot nga. tsaka ibang usapan kc pag me mga term na biopsy. lalo kapag 7 doctor ang tumitingin sau. db nakakatakot nga talaga.

dasal lang po Pajay. ipagdasal k rin namin na maging ok operation mo.

Godbless.

jhosel said...

aw. tsk tsk. rest well ATTY, madami ka pang hearing na pupuntahan pagbalik mo.. ahehe..

hmm.. madaming ka echosan talaga ang mga doctors para masigurado kung ano talaga lagay mo.. hmm.. baka labnat lang yan kea di nila madetect kagad.. ahehe.. sige ATTY, ipagpripray kita na sany maging successful ang operation mo.. god bless!

kikilabotz said...

watever the result pre. pagdadasal k nmin.

PaJAY said...

@PILAR:
Mga doktor KAMOTE!...lolz..

libre nga e..libre...heheheeheh

kitakits sa bahay mo Pilar...salamats..

@NEBZ:

hehehe...kala ko nga rin nakakatakot ang biopsy pareng nebz...di naman pala...tulog kasi ako nung ginawa e...pag gising ko hiwa na dibdib ko...hahahaha

salamat parekoy...
@JHOSEL:

hahaha...atty. ka jan!..lolz..
tamad mga doktor dito ners!..hehehehe...mga ners naman dito sobrang sipag..pag sinabi ni dok na injection sa buttocks...tira agad .di pa nga ako handa e....leche...tsansing!...hahahahaha

salamat ners...

PaJAY said...

@KIKILABOTZ:

Salamat parekoy!..

Mike Avenue said...

Kasama sa paglaki iyan parekoy. Alam ko naman kaya mo iyan. IKaw pa!

Sana ay makapasa ka sa mga test lalo na sa periodical na operation na iyan. Katakut-takot na test pa naman iyan. Pero ok lang basta't gumaling ng magaling na magaling.

At hanga ako dahil sa kabila ng nakaririnding mga test sa ospital ay narito ka pa rin at kasama namin.

MAbuhay ka Pajay!

PaJAY said...

@ MIKE AVENUE

ayos! parekoy! salamat..

biglang nabuhayan ako lalo ng dugo sa mga sinabi mo...hehehe

kayang kaya yan parekoy..salamat ulit...

Dhianz said...

parekoy! mustah???? ...biglang naging parekoy eh noh... lolz...

...ahhh 'ung lang palah sakit koh eh.... pahingi nang pang-shopping... lolz... basta pagaling kah lang kuya EJ ha... pagaling kah para saung mahal na misis...

...we'll be prayin' for yah.... sana dehinz naman malala...

...aliw kah tlgah kuya EJ... may sakit nah pero papatawa pa ren sa blog eh... baka 'ung nga ang sakit moh... baka jontis kah!... lolz... hihhheee... is it a boy or a girl??? hala sino ang ina???? is it sarah geronimo or marian rivera??? hahaha... lagot kah kay ate irish... lolz....

...sige dumaan lang akoh... adik slash korni lang tlgah akoh minsan tsk!... lolz

...ingatz lagi kuya EJ!

GODBLESS! -di

PaJAY said...

@DHIANE:

hahaha..pati pagsashopping a...nalito tuloy ako bat may shopping?..hahaha..kumento ko nga pala sa post mo yun..hahahah

kaw din dee ingatz lagi..salamat ng marami...

poging (ilo)CANO said...

idol chikboy! kaya pala nawala ka sa circulasyon, nagka siknes ka pala...ayus lang yan, magiging okis din ang lahat saka may bantay ka naman jan na nurse magaganda pa. (kaya gustong gusto mo magpaconfine..jajaja..joke)...malamag darating din si sarah at marian para magbantay sayo at pagsilbihan ka pa..lupit mo dre!lolz..

ipagprapray ka namin ni charice!

good luck!

PaJAY said...

@ POGING CANO:

lolz..

thinkers are doers...hahahaha..

natawa ako sa comment mo..kanina ka pa a! sa bahay mo rin sumakit sugat ko...hahahahaha..

ingatan mo yan si Charice at baka....wag na nga...lolz...

Tagay parekoy!...

abe mulong caracas said...

mukang sinulit mo ang post na ito ah at mukang na miss mo nga.

gayunpaman (naks lupet!) tungkol dun sa post mo, sana naman eh ok lang ang lahat! isipin mo na lang na dugong bughaw ka kaya hindi pa nila nailalabas ang resulta ng mga pagsusuri. o hindi mo pa sinasabing apo ka ni queen elizabeth?

pero kidding aside, i hope everything will be fine!

=supergulaman= said...

namiss mo?...ang pag-bloblog...ahehehe...

yaan mo chong sama din kita sa aking mga prayers... gudluck...

MarcoPaolo said...

HUWWAAAATTTT??? lolz.. buntis ka??? lolz ulit... ingat ingat ingat....


Ngayon ko lang din nalaman na pwede pala i-ultrasound ang lalaki... :)

Kosa said...

Idol, poging poging prof Pajay**
taena.. kayang kaya mo yan!

ikaw pa! lols
teka parekoy, seryoso ba yan?
operasyon? sige sige pray pray kami para sayu..

at ang drowing na yun!
inaabangan na ng karamihan... may mga naglalaway at lumalaylay ang dila dahil dyan...
hehe

balik balik ka ha!
sige sige..
kitakits..hehe

Jez said...

usually, natutuwa ang mga estudyante kapag wla si prof, pero kami nag-aalala sa iyo. pero sabi mo nga malakas pa sex appeal mo, este katawan mo, kaya yakang yaka yan!

prof, pagaling ka ng husto! health is wealth.
sama sama tyo sa pagp-pray

Mrs. Thoughtskoto said...

Prof, kagaya ng nasabi ko kahapon, pagaling ka, we'll pray for you!

ORACLE said...

pagaling ka prof....

Praying for your speedy recovery. :)

~!!!!!~ said...

wala na ko masabi.. nasabi ko na lahat eh hahahaha
gusto ko alng magparamdam dito hehehe
at pagaling ka..
we're all praying for you..
kaw kase! may mga nagulantang tuloy akong mga tao kahapon
hahaha
God bless poh...
keep me posted..

Lord CM said...

Brod...aahhh...pre...aaahhh...prof..aahhh, Putek!!! Nasabi na nilang lahat, Kung ano sinabi nung mga naunang nag comment sa akin pre, ganun na rin comment ko...pero syempre iba ung dasal ko para sayo...taimtim :) ...ingat parekoy abnuy pajay lolzz

jawsa said...

napanaginipan kita kagabi... umuwi ka na daw ng pinas... hahahah.

RoMe said...

ganyan talaga ang mga condoktor... dami sinasabi. kayang kaya mo yung periodic test na yan kaw pa.

prof. dami nag aantay na estudyante sayo.. pagaling ka na.. gudluck..

RJ said...

Kahit may sakit na, updated pa rin si prof sa balitang showbiz. o",)

Sige, sana'y gumaling ka na matapos ang operasyon, Prof! Talagang ang daming tests na ginawa, siguradong ang diagnosis at gagawin nilang treatment ay tama. Whew!

Magpagaling kaagad, para maipagpatuloy mo ang pagba-blog. Huwag kalimutang humingi ng medical certificate, mahaba-habang absent na naman yan dito sa Klasrum niyo. Bilang estudyante niyo, niri-require ko rin ang medical certificate kapag umabsent ang propesor!

RJ said...

Bigla kong nasilip ang comment ni Kuya Nebz. Naku, mukhang kailangan natin prof ng mga human medical practitioners dito.

Pero Kuya Nebz, ang pagkakaalam ko sa veterinary medicine, mas malala/delikado ang malignant kaysa sa benign. Ang benign growth kasi hindi masyadong delikado sa kalusugan dahil hindi naman ito lumalaki ng basta nalang, 'di kumakalat, o di kaya'y sumisira ng mga kalapit na bahagi ng katawan.

Sa tingin ko kaya kailangang tanggalin ang benign 'growth' na 'yon kay Prof. Pajay dahil may isang posibleng minor effect ito sa kanya, naiipit nito ang mga ugat na dinadaluyan ng dugo at maaaring nakakapekto sa sirkulasyon. Whew!

Elizabeth said...

prof, kmusta ka na? ano ba talaga sakit mo?! e kung dito ka na alng ba nagpaconsult, 2-3 doctors lang yan alam na agad sakit mo hehehe. joke! kmusta ka na nga?! bka kung ano na yan ha? balitaan mo kmi ha? mag-pray ka lagi! :)

mavs said...

sir pajay kamusta naman po?
pasenxa na at ngaun lang ulit ako naligaw sa iyong eskwelahan...
aba kahit ilang tests na ang pinagdaanan eh naisingit pa si Joms sa post, iba ka tlaga sis...praises!
oo nga pala di ko maintindihan kung bakit ka nasa ospital eh?\
at saka, oo nga pala, sabi ibinalita sa 'kin ni sis di na kaha-hire nya lang pala seu as secretary sa fanz ni ate JosHy...
hehe welcome sir...
at sana pala kasali me sa drawing...
hehe...
tek ker sir...
iNgatZ!

bomzz said...

Kuyawan man sad ta anang gipanggamit nimo nga mga Term lol'z.. buti na lang sabi mo di pala ganun yun kong anong iniisip natin nakakatakkuy... sige parekoy makipgakulitan ka muna sa mga ners jan heheheh... "SOON WELL GET"

para kulitan uli...

p0kw4ng said...

awww ako pala ay isang hangal din kasi di ko alam na may ultra sound din sa lalaki at hindi lang pang ulo ang CT Scan..ahahaha

oist good luck para sa sabado (parang mag aaplay lang ng work)

ingat at pagaling kaagad para tuloy ang ligaya!

Dylan Dimaubusan said...

2 days na pala tong post mo ngayon ko lang nakita!!! na'late ako ah!

Sa tingin ko yung Pneumonia mong yun ang sanhi ng tubig sa baga mo nun.. And all your test was to assess your condition kung kaya mo ang operation, kaya, everything will be fine. We'll pray for your operation.

Pitong doctor! Ahaha! Hang dami ha!
sosyal!!!

God bless you and your health Prof!
Hintayin namin pagbabalik mo dito at sa kwento ng operasyon mo, yun eh kung gising ka habang inoopera.lolz

Desert Aquaforce said...

Prof, kaya pala wala ka sa klasrum e nagpapa-cute ka pala sa mga ners ha.grabeh ka naman, 7 ang doktor mo... magagaling ba na mga doctor yan o nakuha lang ang degree sa tabi-tabi?

Nehow, good luck sa pag-hiwa s u bukas. May u recover fast para maka pag blog ka uli at maka-drowing... may tag ka pang gagawin...bwahahaha... Get well soon parekoy!

Ipagdasal ka namin na maging ok ang lahat!

mightydacz said...

nakuha mo prof kamote nga mga doctor dito 7 doctor dito eh katumbas ng isang doctor lang sa atin.oi same case kayo ng friend ko may pleural effusion din.

good luck sa test sana 100% perfect score ang makuha mo lol at ayaw paawat sa showbiz news ngayon now na lol.

kaya mo yan pag gumaling ka na pasyal tayo sa ramaniyah lol

jEn said...

huli man at magaling, late na talaga!!!!

anak ng tipaklong na blue..nalingat lang ako ng saglit pra magkumento tpos nasa bandang hulihan na ko agad??

alam mo naman prof..may live broadcast kame lagi ng mga pangyyari sa buhay mo..nyahaha..

goodlaks sa periodical test.
kung kelangan mo ng kodigo bibigyan kita!!!bu-bluetoothz ko..harhaar...

ayun na..
pagling ka prof!:)

Francesca said...

health is wealth, sir pajay.

Kung la work, la money...

Gasino lang yung sss benefits if ma sickleave...

Get well soon.

PS. Baka kulang lang po kayo sa Ginseng. Ahihihiii

Rio said...

kuya pajay, pagaling po kayo agad=D

Amorgatory said...

hmmm idol bbalikan kow too nu yang mga lymphoma na yan wakakness ka tlga katkotski nman tong post mow, get well idol ha sit back and relax ka muna dyan

The Pope said...

I will pray for you my friend Prof. 'PJ', that Bro will heal you're body and spirit - and the prayer goes...

Dear 'Bro' (Jesus), Divine Physician and Healer of the sick, we turn to You in this time of illness. O dearest comforter of the troubled, alleviate our worry and sorrow with your gentle love, and grant us the grace and strength to accept this burden.

Dear God, we place our worries in your hands. We place our sick under your care and humbly ask that you restore your servant to health again.

Above all, grant us the grace to acknowledge your will and know that whatever you do, you do for the love of us. Amen.

onatdonuts said...

naku, magpagaling ka...

relax ka lang sa operasyon mo, di ka pababayaan ni Bro (Lord). :-)

Amorgatory said...

hmmm ganun lang talga ung parekoy di ka pwde kasi bsta bsta eh ddiagnose nang mga doctor without series of test ksi mayroong mga dsease na same symptoms to make sure lang kaya ganun, wla nman dpat ikatakot sa mri at ct scan ksi series of test lang un to make sure lang,lolness pero pare benign lymphoma ba talga tsk tsk..sureness ka?cge take care idol pagaling ka nalang, our prayers are with you, hmm though di nman sya cancerous idol BSTA PRAY LANG LAGE, GET WELL SOOOON!!

RonTuron said...

anak ng.. sulat ni tekamots ??? haha

hoy jay... musta naman naman.. teka nga.. i hope ok yung operasyon mo..

paguwi mo.. punuin natin ng BEER yang baga mo.. haha.. joke.. iinom tayo pre! antay kita!

PaJAY said...

SALAMAT SA MGA DUMALAW,NAGDASAL,NAGPARAMDAM,AT NAG KUMENTO NG PAMPALAKAS LOOB DAHIL ANG TOTOO,NNERBYOS AKO NUNG SABADO....LOLZ!...

DI KO NA IISAISAHIN ANG ANSWERBACK SA KUMENTO NYO...sabay sabay na lang....


SALAMAT SA INYONG LAHAT...DAHIL SA DASAL NYO DI NATULOY OPERASYON KO...HAHAHAHAHAHAHA...

SALAMAT....

The Gasoline Dude said...

Ituluy-tuloy mo na 'yang pagpapagaling mo. Mag-iinuman pa tayo! Hehehe. = D

Amorgatory said...

buahhaha masamang damo nga lol peace idol!!

psh said...

victim kna rin ngaun ng mga doktor sa saudi!!!hehe..ngpa2HISTOPATH request con todo LAB works..in the end la lng plang katu2ran..sa bagay libre nman lhat,..
kya gudluck nlang sau jay...
pakonsuelo mo nlang mga ners nd phlebs..hehe!!!

baboo narin muna kmi kakaread mga blogs at bkasyon na..gudbye saudi 4 a while nd hello pinas nman!!!mainit nga lng dun d 2lad d2 smen....

gillboard said...

good luck sa operation kuya pajay!!! sana'y maayos na ang pakiramdam mo!!!

^_edSie_^ said...

sigurado ako.. pagkatapos ng operasyon, sandamakmak na pahinga uli ang ibibilin sayo ng mga doktor.. hehe.. gudlak gudlak..

BURAOT said...

heheh. laman ka din pala ng ospital lately. at least mukhang alam na nila sakit mo? sa kin kasi nakailang balik na ko, di pa rin malaman. weird. gusto lang ata nila akong magbayad ng magbayad.

ang di nila alam la naman akong pambayad. wahahahhah!

Katie Rivas said...

Classical music radio was great for that, but online radio stations are also good. It tells the story of a magical Chistmas on the American frontier. The entire duration of the music further depends on its lyrics and tune.

Search Here

Popular Posts