Thursday, June 4, 2009

KAPAYAPAAN SA BLOGOSPERYO

PARA SA AKIN AT SA KAPWA KO PINOY  DITO SA BLOGOSPERYO.....

PAKI BASA.

Iniibig ko ang Pilipinas.

Ito ang aking lupang sinilangan.

Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan,
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.

Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.

AHAHAHAHAHA!binasa naman!..parang sipuning estudyante lang ,ah...lolz..sensya na!..di ko kabisado ang bagong bersyon...yan kasi inabot ko,halatang may katandaan na!..lolz...

NAGBALIK,NAGBABALIK,MAGBABALIK na po kasi ako sa aking Silid Aralan dito sa blogosperyo kaya bago ko tuluyang pasukin ang KLASRUM ko, tinula ko muna ang PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS para may alituntunin ako bilang isang PILIPINO at higit sa lahat bilang blogero...hahaha.parang elementarya at hayskul!....Yung "BAYANG MAGILIW"(lol) di ko na kinanta, ang alam ko lang kasi ay ang bersyon ni Martin nieverra isa pa,di nyo rin naman ako sasabayan dahil puro kanta dyan sa ipod nyo ang inyong madalas na kinakanta...hahahah..(pareho tayo,apir!)......:)

ANyhow,bilang isang masayahin at may sex appeal na tao,Hiling ko na Sana ay magbati na ang mga nagbabangayan dito sa BLogosperyo!.para masaya tayong lahat...alam nyo namang hindi ako sanay sa away..gusto ko aksyon..yung dumudugo ang mga ilong!,hindi puro satsat!..haahaha..joke lang repapips!...sana nga ay mag kaintindihan na kayo...ano ba ang pinagsasabi ko?......uyyyy!..naintriga ka noh?..pumasyal-pasyal kayo sa blog ng iba para malaman nyo...hehehehe..o sya!...hasta la vista babies!....

49 comments:

chubskulit said...

Oiiiist sino ba ngaaaway na yan hehehe..

naalala ko tuloy nung grade school years ko hehehe.. every morning nagpapanatang makabayan lol..

ryliej said...

Welcome to the classroom sir PJ..

lakas ng sex appeal harharhar!

MarcoPaolo said...

wooottt wow... lolz!


Ang lakas ng sex appeal ah... lolz....


oo nga Prof. sana magkakaintindihan na ang lahat ng mga nagbabangayan para kayong nasa senado ah.... hehehe! joke lang!

oyyy... teka, welkam bak pala... hehehe!

Lord CM said...

Hehehe :D matindi ka talaga Prof...Welcome Back!!!

Sex Appeal? wag mo sabihin mukha kang sex organ? lolzzz

Ang ganda ng dating mo pre, ang sarap ng pasalubong sayo...riot sa blogosperyo hehehe lolzzz

darkhorse said...

Pajay - dapat ka ng kalusin! kpag puno na ang timba kailangan may tabo na katabi pra di sayang ang tubig! hehehehe...madugo Dre...buti nga nka-ilag ako eh nag saksakan pa ta?! tsk...me takip lahat ng panyo sa mukha - saksakan pala ng baho...lol (patawa me) parehas tayo ayaw ko ng gulo....awatin mo ako Dre....kakapikon na eh...hehehe oist ingatan mo health mo sa Saudi pards! galing ako jan madaming nuclear na ginamit noong dessert storm so konting ingatz...natawa ako sa sweldo mong 3 gives!...tc po prof! :)

bloom said...

AHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHAHAH.. shet you kuya pajay. hindi ko binasa. alam ko na kagad ano yun eh!

EǝʞsuǝJ said...

hahaha...

anu daw???

sex appeal?????!!!!!!??!!!

asteeg pr0f...
welkam back..!

PaJAY said...

@CHUBSKULIT:

hahaha...nostalgic nga yang panatang makabayan na yan ,eh..naalala ko rin pinipitik ako sa tenga nung nasa likuran ko during flag ceremony..tas papatulan ko,sabay nahuli ni titser..lagot si pajay..ako pa ang may kasalanan..haha

kitakits sa kuta mo maam rose...

PaJAY said...

@RYLIEJ:

hahaha...kahit sa blog man lang maging malakas sex appeal..hahaha..

salamat sa bisita...

@MARCO:

kung sa senado mo ihahambing parekoy ,si LACSON ako...hahaha...malakas din sex appeal nun...hahahaha..joke lang din...


musta ka na parekoy?kita tayo sa kuta mo...

@LORDCM:

hahaha..mukhang sex organ amp!..lolz...

tara!..punta tayo sa riot,baka may mga kwento tayong mapulot dun .pang entry din yun...hahahaha..

musta ka na nga pala parekoy?..kitakits..

@DH:
..saksakan ng baho...alam ko sino yun...hahahaha..huminaon na ba mga tao sa kuta ni mike pingkoy?...hehehe

salamat pingks!..:)

YanaH said...

welkam bakers kuya!
yun alng ang masasabi ko...
papatulan ko ba yung nabasa kong sex appeal???
hmmm wag na baka kung ano pang pangyurak ang masabi ko.
baka magboomerang ahahaha

PaJAY said...

@BLOOM:

hahaha..yan din ba ang inabot mo o ang bagong bersyon na?....naiimagine ko kung pano irecite ni bloom ang panatang makabayan habang kaharap si bruce...hahahahaha...ang sweet!...lolz...

@JENSKEE:

hahaha...pagbigyan mo na!minsan lang yan!...hahahaha

PaJAY said...

@YANAH:

hahahaha...natakot...lolz.....ikaw naman....pagbigyan nyo na ang tao..kawawa naman minsan lang mapagsabihan na malakas ang sex appeal,sarili pa nya...hahahaha..

may tao na ba sa kablogs?...

saul krisna said...

hahahaha ayus na at nag balik na ang hari ng blackboard... musta na prof? hahahaha na miss kita ah... san ka ba galing? akala ko di ka na mag paparamdam huhumtingin na sana kita eh...

welcome back prof... na miss ka ng blog ko... miss ka na din ni shoutmix ko...

PaJAY said...

@SAUL:

oi! parekoy!...takte!..tagal na nating di nagkita ,ah!?..lolz...

tagay tayo sa kuta mo parekoy...kitrakits..


salamat sa bisita..

Dylan Dimaubusan said...

Sino?!

Sino ba yang mga yan ha?!

Mahataw nga ng frying pan!
Ma-appeal na kung ma-appeal.. Yun lang ata punto mo eh..

Wahahahaha!

PaJAY said...

@DYLAN:


wahahahaha ofcors intercors!...

HARI NG SABLAY said...

sana nga magbati na si hayden kho at katrina.

Binibining Tula said...

ang active ni parekoy sa blogsperyo ngayon ah. Welkam Bak pala.

JoShMaRie said...

nakakaines! nabitin ako. nabitin ako sa post mo. ang tagal na wala tapos tutula lang pala. nagsermon pa. hahahahahahahaa! amishu kuya ejay! kampay!

Kosa said...

alam ko yan parekoy...
taena.. it's complicated nga eh!

peace officer ang dating parekoy! astig.. i second the motion sa mga sinabi mo.. contribution man lang sa WORLD PEACe..lol

astig ang panunumpa ahhhh.. memrize na memorize pa rin..

p0kw4ng said...

naalala ko tuloy nong elementary ako tuwing umaga..tinutula yan habang may muta pa at panis na laway tapos ang buhok eh para lang dinaanan ng hangin,hihihi...di pa kasi uso ang pantene!

saan ba nakakabili ng world peace jay?

PaJAY said...

@POWKIE:

BAKIT BIBILI KA?...wag ka ng umasang may aabutan ka pa..inubos na ng iba,bentang benta nga ang WORLD PEACE na yan ,eh...kaso walang bisa!..kaya ngyon.inaalok na nga ng libre ayaw pa rin bilhin ng mga tao..ang gusto parating may Gulo......hahahahaha...

di kaya hanggang ngayon ganun pa rin ang buhok mo?..lolz..naalala ko vid. mo dati..para kang si sadako!...lolz...pez powkie..

musta na jan sa hometown ko,Germany?...hihihihi..

PaJAY said...

@HARI NG SABLAY:

lol...

di ka pa rin maka get over s Hayden katrina issue na yan ,ah...inaabangan mo pa ba ang Vicky at Hayden?....balitaan mo ako kung meron na...lolz...

Bb. TULA:

sino ka man,saan ka man,ano ka man...wag kang magtago dyan..dahil pagnahuli kita...Bulaga!...ikaw na ang taya!.....hehehe..

(hindi bwal ang korni dito,so just read..lol)...

salamat nga pala sa napaganda mong tul...naantig ang marupok kong puso.....hahaha..

i appreciate it much!..wink..


@JOSHA:

hahaha..buti na lang pinaliwanag kung san ka nabitin...lolz...

mumurahin ko sana si dong kung nagkataon...lolz..

may sasabihin ako sayo Josh..chismax!..hahahaha..kitakits...

amishu mrs. balbon!...haha..

salamat...

@KOSA:

haha...natawa ako kay Mike kosadude...ginawa tayong Eat bulaga!..hahahaha


Peace officer na ba ang tawag sa Sgt. at arms ngayon?..hahaha..nahahalata na talaga ang katandaan ko...lolz....

kampay parekoy!...

Jez said...

PROFFFFFFFFF...
naman, naman! actually parehas tayong nagbabalik...pero ako, lito sa drama at action dito..heheh di ko pa alam buong kwento..hehehe..cge nga, makikitsismis ako sa ibang bahay..heheh

sex appeal!? eh, sige, bahay mo ito, buhay mo yan, paniniwala mo yan, sino ba ako para tumutol...ur happiness is our happiness!! kaya lets be happyyy!!

PaJAY said...

@JEZ:

hahahaha...halatang puno ka ng pagdududa...kahit gusto kong bawiin ang sex appeal na yan,di bale na!..masarap magsinungaling tungkol sa mga ganyan kaya paninindigan ko na ang pagsisinungaling ko...hahahahaha..

Welkam bak din sayo jez...sige,kitakits sa bahay mo .namiss ko na umepal sa bahay mo...hehehe..

SEAQUEST said...

naku, tama ka jan, di ko nga malaman eh...kung kapuso ba o kapamilya gawa na lang kaya sila ng silang lahat ay magkakasama o di masaya...isang buwan pa lang nagiikot naku po...nag karon ng riot...Joking..Peace...

JoShMaRie said...
This comment has been removed by the author.
bomzz said...

Walang Riot Proff nag baba BLOG lang...

ang init na kasi dito sa desyerto pinainit pa.... ilang na araw ako bangag dahil kulang sa tulog dahil nag papaputok naman ang kapitbahay naming mga ARTILLERY ng US Army...

mag kakaroon kaya ng world peace? hahaha

" Heal the Bloggers, Make it a better place for you and for me and the entire bloggers " ito na lang......kantahin mo yan wag mo itula ha! lolzzz


Welcome! Back Proff...

Desert Aquaforce said...


Welcome back Prof. PaJay... akala ko nadala na ng snadstorm ang klasrum mo. hehehe!

Lam ko na kung bakit nagkasakit si Prof - tindi kasi ng sex appeal...LoLz!

abe mulong caracas said...

manu po!

este maligayang pagbabalik sir!

tonio said...

"i come in peace" aheheh parang si Buzz Lightyear lang, yung partner ni Woody sa Toy Story... tama ka prof! mas masaya kapag tahimik (e di sa sementeryo ka tumira!) yaikz! i mean tahimik, yung walang away... konteng gusot wag na nating palalain...

happy blogging and keep safe!

HOMER said...

Give Peace a Chance ika nga ni John Lennon.. :)

carelesshush said...

ay bakit ganun? nagpost ako ng comment at nilagay ko ID ko sabi YOU DO NOT OWN THAT IDENTITY...kelan pa ko hindi naging si CARELESSHUSH? haha sa tagal ko atang absent di na ko marecognize haha

anyways, sabi ko kanina since hindi ako gala sa blogosperyo ngayon at dahil di ako chismosa di ko kilala kung sino yang mga gusto mong paduguin ang ilong haha

musta ang summer neybor?

gillboard said...

ermmm... tama ka... peace sa lahat.. di masaya kapag meron tayong kaaway..

Dhianz said...

oh my gulay nagbalik kah na palah! oh devah surprised akoh... wehe... hmmm... teka... pa-try uletz ha... panatang makabayan... iniibig koh ang Pilipinas... itoh ang aking lupang sinilangan.. ito ang tahanan nang aking lahi... ako'y kangyang kinukupkop at tinutulungan... upang maging malakas... maligaya at kapakipakinabang... bilang ganti ay diringgin ko ang payo nang aking mga magulang.. susundin koh ang mga tuntunin nang aking paaralan... tutuparin ko ang aking tungkulin bilang isang mabuting mamamayan... paglilingkuran ko ang aking bayan... nde koh na maalala...teka patingin post moh... hahaha... takte.. binasa koh 'ung panatang makabayan moh... mali at kulang na yung ibang pinagsasabi koh... tsk!... wala akong alam sa kaguluhan na yan dahil ako po ay absent 'ung nangyari 'un... so yeah... at meron akong sariling magulo na mundo na pinagkakaabalahan kaya nde koh na makikisali don... wehe... dmeng sinabi eh noh....

kuya EJ!!! welcome back... we so miss you... we are so glad that 'ur back... ingatz lagi... laterz prof. Pajay!

Godbless! -di

desza said...

di ako makarelate nung una ko tong nabasa. pero ngayon gets ko na. hehe

kahit saang mundo talaga may away.. but it's up to u kung jojoin ka ba o sa world peace ka na lang tatambay.

anyways, sakto sa start ng schoolyear ang pagbubukas muli ng klasrum mo ah!

im glad narito na ulit ang maappeal na prof!^^

beach philippines said...

ganda naman ng compose mong tula. . .parang bumalik ako sa grade school times...hehehehe

Mr. Thoughtskoto said...

When you call for PEACE, I read it and then later I pondered.

Nagisip, at dahan dahan kung binigkas ang

P
a
n
a
...



hindi panalangin
PANATANG MAKABAYAN, ano ka ba! Nagbabasakaling memorize ko pa din after 20 years!


hahaaha.



kitakits tayo Prof, huwebes!

poging (ilo)CANO said...

sa wakas nakapasok din ako sa klase mo profesor na may sex apir este appeal pala..hehe.,lolz

welcam bak prof.

at sa iyong pagbabalik, dala mo ang bandila ng kapayapaan dito sa mundo ng mga adik..lolz..

PaJAY said...

@SEAQUEST:

hahaha....asahan mong wala na sanang riot sa susunod na buwan...salamat!..

@BOOMZ:

sino ba kasi ang nagpasimuno ng word na riot na yan?..lolz...eh naglalambingan lang naman pala mga bloggers...

salamat parekoy!..

@NJ

lolz...takteng sakit yan!..kapal nga ng mukha bosing ,eh...

@MULONG:

tae ! ginawa pa akong mas matanda!..lolz...

tagay parekoy!..

@HOMER:

di ko alam na sinabi ni John lennon yun ,ah....salamat sa impormasyon dre...hehehehe

@CARELESSHUSH:

oi! neybor!...kitakits sa bahay mo...amishu!...hehehe

@GILBOARD:

Amen!...

pero guguluhin ko pa rin bahay mo...hehehehe..kitakits parekoy...

PaJAY said...

@DEE:

halatang di mo alam na nagbalik na ako ,ah..halatang halata inosente ka!....hahaha..

Salamat dee sa walang sawang pagbisita dito sa kuta ko at sa .....alam mo na....hehehehe


kitakits sa linya...hehehe

@DESZA:

hahaha..naniwala ka naman na ma appeal!?...lol

salamat des sa muling pagbisita...

@BEACH:

salamat sa kumento..balic balic quiapo..:)

@KENJI:

lolz...sige parekoy!..kitakits sa huwebes...medyo malelate lang ako ng konti....hehehe

@POGI:

Galing ako sa bahay mo...walang tao..andito ka lang pala!...lolz...

isladenebz said...

Panatang Makabayan talaga? Salamat sa reminder. Oo nga mainam syang gawing batayan sa pamumuhay. Hirap nga lang gawin. Pero do-able! Kaya tara, gawin natin...

ACRYLIQUE said...

Hala! Napataas tuloy ang kanan kong kamay. :)

Honga naman. Magpapasko na. PEACE ON EARTH! :)

^_edSie_^ said...

prof, aminin mo. may pinagkopyahan ka nung panatang makabayan noh? ahehehe...
sa tagal ko ng hindi narinig yan, di ko na lam kung saulo ko pa. napa-recite tuloy ako ng malakas dito...lolz

Ryan "JUMONG" Ocampo said...

Pareho tayo parekoy hehe.. akoy nagbabalik na rin sa mundo ng kaadikan

Feel free to comment hehe.. Updated na, God bless

ab- said...

dumadaan lng po..

nablangko po ung utak ko sa may bandang "sex appeal"..hehehe

di na pigilan magcomment..

nyahaha..

ngiikot lng po may hinahanap na nang-away sa inaway...

nyah..

beep..beep..
brrrooooooooooommmmmmmmmmm...

PaJAY said...

@NEBZ:

hehehe..halata bang wala ng ibang maiisip dude?..hehe...sige tara!..tara na sa al-khobar!...lolz..

@ACRYLIQUE:

hehehe..buti hindi kung ano ang itinaas mo...lol..

salamat sa dalaw dude..

@EDSIE:


hahaha..wag kang maingay!...galing ako sa bahay mo...naaliw ako sa make up...lolz...

salamat eds...

@JUMONG:

sige dude...kitakits..Godbless din..

@AB:

hehe..wag ka na kasing kumontra...sige,baka maging kamukha mo si aling dionisia!...hahaha..sakyan mo na lang yan..on the second thought,pwede rin seryosohin mo na...hahahaha

salamat sa kumento..

Nobe said...

sabi nila bloggers unite!

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

JonD'Mango said...

gandang araw prop. para sa kaalaman ng buong klasrum eto na po ung bagong "panatang makabayan"

basahin at kabisaduhin na lang po sa http://jondmango.blogspot.com/2009/06/panatang-makabayan.html

salamat prop.

Search Here

Popular Posts