Monday, July 20, 2009

EXCUSE MY FRENCH

Hindi naman sa nakalimutan ko ang password ng aking blog…sadyang may bagay lang talaga na dapat unahin kesa sa blogging ……

At yun ay PLURKing….nyahahahaha….

"Ang SOCIAL NETWORKING ay parang SAGING,nagsisimula sa letter S  nagtatapos sa letter G”….hehehe..korni ba?buti alam ko!...lol…kidding apart,ang saging kasi “habang  sinusubo lalong sumasarap” parang networking, kaya siguradong mapaparami ka nang pag sign-up sa anek anek na networking site pag ito’y nasimulan mo na.Ganunpaman,namimiss ko pa rin ang Saging na saba na kinukumpara ko sa blogging dahil marami mang uri ng saging ,malamang,yung paborito mo pa rin  ang iyong babalik balikan…ikaw ?(kani)’nong saging ba ang iyong nais subukan?...

********
Sa mga nagdaang araw madami tayong kaibigan na iniwan ang blogging.yung iba panandalian, meron namang pangmatagalan at yung konting iba,pangkamatayan na…ito marahil ay demonstrasyon na walang permanante sa mundong ito ,tanging sex appeal ko lang talaga ang permanente maniwala ka! nagsasabi ako ng totoo!hahaha

Dun sa mga iniwan na ang blogosperyo…sana ay mag sisi kayo!!!!...lol…ang dadrama nyo..pwede namang umapdate lang tas appear disappear. Wala namang penalty umabsent ewan ko sa inyo!!!..lol.ganunpaman,sana ay magkasalubong pa rin tayong lahat sa FARM ko kahit papano.kung gusto nyo, ineybor nyo ako para madagdagan nman pananim ko at may mag haharvest pag wala ako…hahahaha

***********

ALam kong may utang pa akong iniwan sa blogosperyo kaya dun sa mga nag aabang (kung meron pa) wag kayong mag -alala.Ang drowing na ipinangako ay muntik nang naipako ngunit itoy bubunutin ko sa araw  na kelan? ay akin munang itatago..Hold your horses pipol!

***********

MAiba tayo ng usapan.Bat kaya may taong amoy imburnal ang hininga.o bakit kaya ,ang imburnal ay amoy hininga ng ibang tao..tae!!ewan ko kung imburnal ba ang unang naimbento o hininga pero either way takte!! ambaho talaga ng hininga ng reliever kong Fuddy-duddy na masri (Egyptian) sa opisina…eh inoorient ko pa nman sa mga dapat nyang gawin sa opis kaya kailangan personal distance kami parati..isang buga lang ng hininga nya para akong masusuka....kulang na nga lang ng isang pirma amoy septic tank na ! anak ng dalagang baka!!!…kung itatapat nga ata ang rosas na plastic baka matunaw pa…talagang parusa bago ako lilisan…..

eh san ba kasi ako pupunta at bakit inoorient ko sya?

Bwahahaha..yun talaga ang pinunta ko dito sa klasrum ko…ang ipagmayabang na uuwi na ako sa pinas (evilgrin).I owe this to my self!!!(tawang higante)…matagal ko ang inaantay to at sa wakas next week na ang flight ko..(tawang higante ulit)…

Sa kasalukuyan ay inantay ko na lang ang flight sked ko kaya buong araw lang ako sa flat  walang magawa kaya obvious ba?…nagbablog na nman ako?...hehehe..paikot ikot na nga ako dito sa tatlong sulok ng aking kwarto pero ayus lang kahit uhaw na sa kasabikan,sa pag uwi ko naman si mahal ay mabibilaukan….dahil ang dala kong tsokolate ay limang kaban (at di ko pansin na ang  sinulat ko ay nag rhyme) lol.
**************
(Sabi ng kaflatmate ko habang nanonood kami ng "Benjamin" ni Brad pitt)
SANA GANYAN DIN ANG HOME FOR THE “AGENT” SA PINAS……

hahaha..ayuffff ka Jules!!!!!...kala ko nagbibiro ka lang…eh inulit ulit mo pa..agent pala talaga ang akala mo…AGED hui!!!!.lol..
**************
ejay! This problem for me because Call me mr. reda saiding me why you downing the phone .he nervous.(walahi)i afraid.
Sabi yan ng Egyptian sa akin habang paparating ako sa opisina.

HUWAAAT?!

Nagkaintindihan naman kami ..hahaha

Tagalog translation:Ejay,problema to,tumawag si mr. reda,sabi nya bat mo raw sya binabaan ng telepono.galit sya .natatakot ako.

Maayos naman English nya diba?...lol…

(si Mr. Reda nga pala ay Boss lang naman namin..hahahaha.)

*******

PUMAPLUGGING :mula kay BLOOM

(Bloom kinopy paste ko na mismo para siguradong sakto sa plugging.lol)

Hello friends, readers, lurkers at kung napadaan ka lang..WELCOME!

haweryu? anyway, favor naman :)

KINDLY VOTE FOR MY FRIENDS' VIDEO (pinakamaraming polo na sinuot ng isang tao) entry sa GLOBE'S PARAMIHAN CHALLENGE CLICK HERE to watch. (pramis it's worth watching)

Free lang ang pagboto plus magkakaron ka ng libreng EVERYBODYTXT20 from GLOBE by simply voting! YEP... YOU HEARD IT RIGHT! i mean, READ IT RIGHT!

BUT WAIT! THERE'S MORE! VOTE NOW AND GET A CHANCE TO WIN P10,000! WHAT AN AMAZING OFFER!

ok, advertisement much. haha! this is sooo nakakahiya..

Step 1 : punta lang sa link
Step 2 : click the VOTE tab
Step 3 : Register and VOTE!

Mga GLOBE PREPAID subscribers lang po ang pwede magvote kaya if by any chance na hindi kayo eligible to vote dahil SUN, SMART, TM, TnT o RED ang gamit mo.. WALANG CHANCE NA GANON! dahil siguro naman may friends kayong GLOBE USERS diba? gamitin nyo na lang yung number nila. hello! you're doing them a favor kaya! ang EVERYBODYTXT20 eh 200 text messages sa globe to globe at 10 naman to other networks! SULIT..


Up to AUGUST 1 pa ang voting!

PAKI SPREAD NA LANG! SALAMAT! :)


32 comments:

Chyng said...

Huwaw, you're back and you're about to go home!

Tama nga naman, appear disappear lang, wala namang penalty eh. ;)

@bi3L said...

Yeah... now you see me now you don't ka pala.. parang kabuti!! :) lilitaw lang kapag basa!!!

pero atleast nakapag post ka na!! :)

Abiel Online Ü
Love Thoughts Love Lines...

JayCee said...

Bonjour!!

Excusez-moi..

Enchanté..

Au revoir!!

At sa aking pagbabalik.. hinde lang frunz ang alam ko .. pati na rin ang..

Saka na lang.. entry din yun!!

Goodluck sa Pinas!! (read: je m'en fouz!)

RJ said...

Sa dami ng mga kwento mo Prof., hindi ko na alam kung saan ako magku-comment.

Talagang usapang 'saging' at salitang 'mabilaukan' ang dumadaloy sa post mo, ah! Huh! Excited ka na nga talaga sa pag-uwi mo.

Paborito ko lakatan.

Niqabi said...

ay yarabi!

aiwa, mafi kwayis reha semsem hamam!

naku ewan ko ba di ko pa rin magawang maimmune sa majontot na amoy nila mapa receptionist at accountant may mala imburnal na hininga..juskoday!

hehehe wala lang po naki singit lang sa klasrum mo sir.. :P

MarcoPaolo said...

-naks! uuwi na siya... excited na oh... lolz!

-grabe! baka mamaya parekoy mahimatay ka sa amoy ng reliever mo. lolz!

ingats... :)

Lord CM said...

Dami naman, halo halo..wala akong ma comment..aaahhh...eto na lang, naipakalat ko na ung tungkol sa Globe lolzzz

Takte!!!Welcome Back Parekoy!!!! :)

EǝʞsuǝJ said...

isa kang adik!!!!!

sertipaydddd!!!!

mapa-PLURK
BLOG
o FARMbook

ang mga tanim mo tuyo na..
ilandscaping mo na yung hacienda mo para naman kaaya-aya sa paningin pag binibisita namin!!!:P

gudlaks sa pag-uwi...
regards na lang sa Pilipinas kong mahal...
hehehehe...:P

A-Z-E-L said...

enjoy your vacation!

enjoy the fresh air...

enjoy the "saging"...

share your escapades ha.

an_indecent_mind said...

bon voyage brod!

enjoy your vacation!

isladenebz said...

Nagpakita ka upang magpaalam?! Ouch! Hurt!

Pero tuloy pa rin ang klase sa klasrum ni Pajay d b?

Hahanapin kita sa Facebook para mabentahan kita ng produce ko sa aking farm.

Mag-iingat sa viaje. Lumbay ako.

Nasaan kasi ang saging?!

p0kw4ng said...

hindi naman ako parang tanga lang dito sa pagtawa don sa "agent" at sa english.hihihihi

sabi nga nong indian...huu why like this my fren! ahihihi

gusto ko din yung bilaukan drama..pero ayaw ko ng sa tsukuleyt...gusto ko ng sa saging,hihihi

enjoy your bakasyon! araw arawin mo ha..ihi lang ang pahinga!

saul krisna said...

anak ka ng jueteng parekoy... huhuntingin kita pag uwi mo.... bday ko tom july 22... nasaan na ang gift mo? kahit isang tsokolate wala ba? hahahahah na miss kita parekoy

Mr. Thoughtskoto said...

hahaha, Happy trip Prof! Natawa ako dun sa masri na story, at sa French-English niya... walang pinagkaiba, relate na relate ako.

Enjoy your vacation. Paalala: seguraduhin na kapag mamimigay ng tsokolate sa mga kamag-anak, hindi made in china ha. (lols)

Everlito (ever) Villacruz said...

ha ha ha may pahabol pa si thoughtskoto..ikamusta mo nalang ako sa pinas!

DRAKE said...

Masalam Sadeeq

Teka tungkol dun sa Egyptiang mabaho ang hininga dapat tinanong mo ng ganito "Hulaan ko kung ano kinain mo kanina, TAE ba 'to?"

dylan dimaubusan said...

Bonjour no! Nagbalik ka na pala, at pauwi ka na?!!! Oh mah ga!!!

Kaka-exxcite naman nyan, parang yung kaibigan ko dito. Sa december pa ang uwi pero kasing excited mo! nyaha!

Oist ingat ha, enjoy and seize every moment with your family. Blessing yan! Makikita mo na ulit si irog mo..

God bless you and your family Jay.
NAmiss ko mga post mo, kaso, ewan ko sa'yo, bumalikka nga nagpaalam ka naman! ugh!

carelesshush said...

musta ba neybor? hehe..long time!!!

at ngayon mo lang napagtantong mabubulok ang mga hininga nila?! haha..di ko na mashadong binasa ang blog mo at ako e maglilibot pa sa bahay ng ibang friendship hihi

kheed said...

akala ko kung saan mo ihahalintulad ang saging na saba haha

yngat sa pag uwi c",)

poging (ilo)CANO said...

hahaha...uuwi ka na sa pinas?

sa wakas makikita mo narin si kumpare, pero sa bahay na nila..lolz..

tres na lang karma ko sa plurk!..nagsawa na ako sa saging..lolz

desza said...

naks, pasulpot-sulpot talaga..
ok lng yan, d2 pde magdisappear, eh sa plurk bawal ang absent..hehehe

nawindang ako dun sa english. pinilit kong intindihin, di ko nagets ng tama. haha

uy.. excited! (dancing saging)

WELKAM BAK SA PINAS!^__^

mavs said...

sir pajay...
kamustamos po?
long taym no si
bat naw si naw...
hehe...

Amorgatory said...

promise idol naghihirap ung farm mow sa farmtown hahaha, haVang kami ni josha ay nagkandarapa na sa panghharvest, ang gabi ay ginagawang araw ang araw ay ginagawang gabi hahaha, kaya ang bkla ayun ang yaman nang farm ha!ang tariray!!hahahha!uwi kana pala ayus!!tamang tama idol bday ko na nextweek wag kalimutan ang gEft mow, bat ako natulad kay jules na kaiVigan mow, wahahah, parang nadadala akow sa AGENt ahahha!takneng buhayness lols..

bogart said...

oist, bwakana kn ka.kelan ang uwi.sabihan m ako kung kelan para makagimik naman tau.halos magkalapit lang kami nang ofc ni dagz...text mo ako sa number ko.09272872152.langya ka, pauwi ka na pala. T$?&-i#a! pauwi ka na pala...

The Pope said...

Sus late na naman ako sa klase, holiday na pala. Happy trip po Prof. PJ.

Sana po nai-orient ninyo ang inyong reliever na Ehipto ng proper hygiene, iniwanan na lang sana ninyo siya ng tutbrush, tutpaste, antiseptic, detol, bowl brush at toilet duck, hahahaha.

Antayin ko ang iyong pagbabalik at sa muling pagbubukas ng klasrum na ito.

God bless you.

machorvang chenelin bumble bee said...

home for the agent! haha. parang yung cameraman namin. paulitulit siyang kumanta ng "i dont you hope mind... dont you hope mind..." haha.

panra talaga ng blogging ang plurk at facebook. i swear!

charee said...

ayan. ibinalita mo pala kagad, naunsiyami tuloy.. tsk. tsk. tsk! :p

mary narvasa said...

peborit kong teacher! :)

kamusta? nagbabalik na po aketch..hihi

matagal2 din ako nwala..grabe! nakalimutan na ata ako ng mga ta! haha. :)

paki sabi naman sa kanila na buhay pa ko! haha

shet. nappaiyak ako, jok.

geh geh po. bye bye.

ang naiisang prinsesa!c:

~~mary

Jez said...

late man....eh late pa rin ika nga..
malamang nasa pinas kana prof..

ay, inaabangan pa rin namin yung utang mo prof na kahit maraming nag aapear disappear (malamang isa na ako dun) kaya kailangan mong bumalik pagkatapos mong sumubo at magsubo ng iba't ibang klase ng saging...alright sa alright

Francesca said...

SIGE KITAKITS TAYO, antipolo lang me, until sept 15 ahihihiiii

and about sa mabahong hininga, tell him to see a dentist, it is for his health and YOUR HEALTH TOO!

Bon courage sa pagsabi, lol

dyeve said...

wow...excelent site..I just love it! Gratz!

Martinesposc said...

peborit kong teacher! :) kamusta? nagbabalik na po aketch..hihi matagal2 din ako nwala..grabe! nakalimutan na ata ako ng mga ta! haha. :) paki sabi naman sa kanila na buhay pa ko! haha shet. nappaiyak ako, jok. geh geh po. bye bye. ang naiisang prinsesa!c: ~~mary

Search Here

Popular Posts