Friday, November 20, 2009

MAKAPILI



Ilambeses mo na ba'ng naranasan angPumili sa kung Ano o Sino talaga ang gusto mo?Sino ang ituturo mo?

Yung tipong wala ka ng choice kundi pumili sa dalawa,tatlo,apat o kung talagang ang choosy mo na talaga,pumili sa napakaraming option. Toyota ,Chevy,Chedeng ,taxi,jeepney o Pantra ? Noynoy Aquino ba o Villar? mestisa o morena?errrrr..nakakalito!!! sagot mo na lang, "itdapens"....tama ba? o umiiwas ka lang pumili at i-asa mo na lang sa iba?....at pagnagkamali ka,isisisi mo rin sa kanila.. ganun ba?...lahat naman madaling pagpilian diba? piliin mo lang yung naaayon at tingin mong tama sayo and then, charannnnnn!.....ayun tapos na! yun na ang piliin mo bahala na yung sinasabi ng iba,kesehodang "kalait-lait at chaka" yan eh kung mahal mo at (nalilibugan) ka rin naman (lol)................. ......ha! ha! ha!(ooopppsss....wag mo ng itanong ang isyu na kung gusto ka ba ng pinili mo o hindi.Ibang usapan na yun,di ko na problema yun,mag-isip ka naman ,di yung ako na lang!)hehehe.

Enihooow,E kung sa Labislayp kaya?.....hmm...naisip mo ba minsan na sana friendster at facebook na lang ang pag-pipilian para mas madaling desisyunan? susundin mo ba ang Gusto mo na alam mong di-dapat o yung gusto mo na karapat-dapat?

Ehemm,Sabi nga sa basic law maxim "Nullum crimen,nulla poena sine lege". Walang krimen (o hindi masama) hanggat walang batas na nag babawal.Parang sa basketbol,No blood no foul....onga naman,ang simple diba? ..di naman bawal pumili eh,choice mo na yan...kung gusto mo dun sa syota mong maganda na ang ugali ay nakakasuka e dun ka,bahala ka sa buhay mo! kung gusto mo naman sa mabait pero hipon na isa pa.. Gora!! at kung gusto mo naman dun sa maganda,mabait pero mabaho ang hininga sige!!! tira lang ng tira..choice mo yan eh ...kung babae ka naman at parang nababali na ang bangs mo sa kung sino ang pipiliin ,aba! ikaw na rin ang bahala...si guy next door ba na ubod ng gwapo at masayang kausap? o si guy "next next next" door na gwapo lang at nakakaaliw ,o yung guy next to the door of the guy next door na gwapong gwapo , na almost purr-fect pa kesa sayo pero mabait naman at straight na lalake...(straight sumubo ha!ha!ha!badaf ampf!) eh kaw na bahala.....Kung magkakaron ka ng peace of mind sa pinili mo eh di sige! walang magbabawal sayo (pero alalahanin mo,di ka pa sigurado kung hanngang kailan ka liligaya dito)..hindi mahirap pumili kung alam mo ang dapat mong puntahan,hindi mahirap mamili kung nananalig ka sa prinsipyo mo at dun ka lumugar sa bagay , nararapat at tama lang para sayo .Kung ang gusto mo ay langit kahit alam mong ikaw ay lupa siguraduhin mo lang na kaya mong tiisin kapag ang langit ay maging malupit sayo at be sure as well na marunong kang tumanggap ng pagkatalo, nasa huli naman ang pag-sisisi diba? yung di mo napili di naman masyadong apektado dahil sarili mo lang ang lubos na sasaktan mo.

Pero teeeekkkaaaaa......sa pagkakataong pinili mo ang alam mong hindi bawal sa mata ng iba pero bawal sayo,pababayaan mo na lang bang saktan ang sarili mo? no crime when there is no law nga..tama! parang yung mga nagsu-suicide. Hindi mo naman pwedeng parusahan o ikulong ang taong nagsuicide diba?walang batas na ganun! (eh takte naman kasi) nag suicide na nga ikukulong mo pa? eh tae ! ....ergo, ibig sabihin lang neto,hindi nga krimen/masama ang subukan mong patayin ang sarili mo pero tae! ano pa ang ititira mo sa sarili mo?Awa?No foul nga Oo kasi walang blood pero may harm naman.Di kaya masokista ang tawag sayo?parang MAKAPILI na magtatraydor? yun nga lang sa sarili mo ,hindi sa ibang tao.

Ganunpaman,Mas madaling pumili kung ang iisipin mo ay sarili mo at di yung sasabihin ng ibang tao.Mas madaling pumili kapag may pasensya ka at mag-isip sa papasukin mo,mas MADALING pumili kung pinapaintindi mo sa sarili mo kung anong perwisyo ang ibibigay sayo ng choice mo.Ang mga pinili mo ay ang larawan ng buhay mo at Kahit mali pa ang pinili mo,ayus lang basta siguraduhin mong kakayanin mo ang sakit hanggang dulo....Kahit pa bawal sa batas ang gagawin mo,siguraduhin mo lang ipaglalaban mo ang ginawa mo hanggang sa sementeryo.Hindi Bawal ang sumubok ,hindi masama ang makipagsapalaran pero sa oras na kailangan mo'ng desisyunan ang mahalagang bagay,Huminahon ka,maglaan ng oras dito ,pumasok ka sa banyo,umupo ka sa water closet o bowl nyo,tumingala sa kisame,ilagay ang dalawang siko sa bandang tuhod mo,ipatong ang baba sa dalawang kamay mo,mag muni-muni at pag-isipan at itanong sa sarili nyo...si manny pacquiao na kaya at si krista ranillo?






Tssssss...

29 comments:

PaJAY said...

HINDI AKO EMO!!!!!





Wag ka ng magtaka jan...hahahaha!


ako n naman ang naunang nag-comment...YOW!!!! lols

Anonymous said...

Wala pang Go signal ang ATO kaya naisipan kong mag stop-over dito. Kahapon, habang kausap ko ang master ko sa pag-a-eyeliner, naitanong ko din sa kanya, kung si Manny at si Krista nga ba? Hahahaha. Winner talaga itong si Pekman!

Minsan sa buhay kailangang pumili, kung sino, ano saan at paano ka liligaya. What I know is that even though, some people might get hurt including yourself, mas madaming masasaktan kung hindi ka mamimili. Maaring mahirapan at masaktan pero tanggapin natin na may mga bagay na kailangang desisyunan.

Tama ka prof sa sinabi mong, whatever you decide to do, as long as you will find peace in your decisions, it is OKAY!

Bawat pagpapili, may karampatang consequences na kailangan ay handa tayong tanggapin. Madalas umaabot pa sa puntong kailangang mag-sacrifice ka pa ng importanteng bagay sa buhay mo dahil kapag wala kang ginawa baka mas lalong mali ang maging pagpili mo, so paano ang PEACE OF MIND?

May mga oras na hindi lahat ng pinili at desisyon natin ay tama. Minsan kasi kung ano yung iginive up mo 'yun pala ang magpapaligaya sa iyo...NASAAN ANG HAPPINESS?
GOOD LUCK!!! na lang sa kung ano man yang pipiliin or pinili mo. Basta, paalala ko lang sa iyo, do it the legal way. May due process para dyan! Kung sa tingin mo naman ay kailangan mo ng MOTION FOR RECONSIDERATION, goodluck na lang ulit, dahil sa SUPREME COURT ka na lang umapela at ako ay lilipad na!!!!

Hanggang sa muli!!! at hindi din ako emo!! nyohoho!

-=DARNA=-
mukhang adik man ako sa iyong paningin, tumingin ka lang sa akin, maaadik ka rin.

Chyng said...

^ ay ang haba... *winks*

kasalanan sa Diyos na di pag-aralan bago pumili...

EǝʞsuǝJ said...

onghobo nomonnnnnnnnnnn....
ng hurrrr mooooooooo....

hahaha...
hindi ko halos maintindihan yung sinabi mo dahil sinisipat ko yung tag cloud mo - mejo sumobra ng wanport sa margin...

hehehhe....

anu't anu pa man...
ang alam ko,
sumasakay lang si Krista sa kasikatan ni Money Pakyow..

tsktsk...
buhay showbizness nga naman
(you know)
hahahah

canky.is.me said...

ONGHOBOOOOO naman nung comment nung darna, pwede ng entry sa blog =)))))

mahirap man sakin aminin to lowlo tupac, pero OO TAMA KA sa mga pinagsasabi mo dyan. pati yung kay krista at kay manny, OO SILA NA NGA =))
at one point kailangan mong mamili sa napakaraming choices na binabato sayo. pero sabi nga, wag masyadong pagkaintindihin yung sinasabi ng mga taong hindi mo naman kasama sa pag-deal ng consequences. don ka sa kung san ka TOTOONG masaya, magiging tama rin naman un eventually.

-- aubrey

PaJAY said...

@ANonymouS: record breaking sa haba ng comment ah...well,di ko sigurado if tama ang naiisip ko kung sino ka pero sino ka man may tatanong lang ako...sa Labslayp ba ,kanino pwedeng humingi ng motion for reconsideration pag nagkamali sa pinili?....sino ang tatayong court of appeals at sino ang sup.court?...ahahaha!!

salamat sa bisita tho at sa mahabang comment mo...:D

@Chyng: Chyng!!! bat kaya na eexcite ako pag andito ka sa kuta ko.hahahaha...

yah ryt ,ang haba nga gusto ko edit mamya pag sinipag..hahaha..

salamat chyng..:D

@jenskee: di nga mare? sila na ba?lols..

yun nga jen eh..gino gugel ko pa kung pano ayusin yan..lol

@AUbrey: mwahahahaha!ang saya!sinang ayunan mo ko por da perstaym! lols...kahit labas sa ilong ayus na ren...hahaha..

magiging tama eventually ha..parang prinsipyo mo na talaga yan eno? tagay tayo jan Nyobrey!!!

:)

A-Z-E-L said...

tsumitsismis ang prof.... hahahahaha!

kahit ano pang piliin.. basta tayo ang pumili... wag na nating isipin ang sasabihin ng iba... hindi naman sila ang nagpapatakbo ng buhay natin. wala naman silang ambag sa utang na binabayaran natin! kebs!!! diba?

RJ said...

Usapang CHOICE ito. Maganda.

'Yon bang ipagpapatuloy ba ang pakikipagsapalaran sa Australia o umuwi nalang sa Pilipinas? Huhmn...

Ayos ang mga suggestions sa panghuling talata, thanks! ...pero may napansin ako. Dito sa blog mo, Prof., madalas may tungkol showbiz.

Joyo said...

Hintayin na lang natin pag napapresscon si pecmen... pwedeng umamin, pwedeng hindi nasa nanonood na yun kung maniniwala sila o hindi...pero sa tingin ko sila bwahahaha!

maiba tayo,usapang pagpili... may mga bagay na gusthin man nating piliin hindi natin pwedeng piliin dahil alam natin na maraming masasaktan... marami kang maririnig, maraming makikialam... nasa tao naman ang desisyon kung susunod siya sa batas ng nakakarami o susundin niya kung anong makakapagpasaya sa kanya...

pero kung ilalaban mo yung isa laban sa nakakarami, siguraduhin mong makikipagcooperate siya... mahirap yung pinaglalaban mo siya tapos iiwan ka din pala... :)

saul krisna said...

ang hirap naman pumili.... yung taong mahal mo pero binabalewala ka o yung taong mahal ka pero di mo mahala ngunit... subalit.... datapwat.... sobrang pinaparamdam naman na importante ka sa kanya....

Dhianz said...

ang dme mong sinabi... parang nagulo yutakz koh... parang wala akong naintindihan... ahaha... yon na lang.. LOVE YOUR FAMILY... always... ingatz.. Godbless! -di

Anonymous said...

what if asawa mo ang nagchange ng mind and chose d other guy next door, ok lng kaya yung ganun?

charee said...

hhhmmmm... ang lalim ng pinahugutan! i can smell bitterness.. hahahaha! :p

isladenebz said...

Welcome sa bagong balay! Bakit walang house blessing?!

Dito sa Saudi kapag nagsuicide ka, dapat derecho. Otherwise kapag nabuhay ka, ikukulong ka nila. Dahil bawal magpakamatay sa Islam.

Nahihirapan kang mamili para sa sarili mo? Follow the 4-Way Test: Is it the truth? Will it build better friendship and camaraderie? Will it be beneficial to all concerned? And most importantly, matutuwa ba sa yo si Lord pag ginawa mo ito?

Oo, Pajay, sila na nga ni Pacman.

p0kw4ng said...

huwaw berdeng berde...ang utak!

tama ka...hindi mahirap magdesisyon kung sarili mo lang ang iisipin mo...kaya don ka na lang..bakit mo pa iisipin ang sasabihin ng ibang tao eh hindi naman sila ang masasaktan o mapapahamak sa pinili mo db? bow...

PaJAY said...

@Azel: hehehe..nasali ang utang ah..pero may tama ka..hehehe

may pinaghugutan zel ah..lols

@DOC: tingin ko Doc mas gusto mo pa sa Australia sa ngayon kasi di pa tapos bahay mo eh.hehehe..musta na nga pala Doc?

la kasi kwenta politics Doc kaya showbiz muna.Hahaha!

@JOYO: pag yung pinaglaban mo iniwan ka isa lang ibig sabihin nun...martyr ka lang noon kahit alam mong di ka naman nya kayang mahalin talaga..hehehe..tama ba?..lols

pengebente???

seryoso sila na nga? ang swerte ah.

@SAUL: dun ka sa mahal mo pre syempre eh ngayon kung ayaw nya talaga eh di mag antay na may mapupusuan kang iba..sa Q-av meron pa ba?hahaha..tagay dre!..:)

@DEE: hahahaha! mukhang naguluhan ka nga...ingatz dee.

PaJAY said...

@ANONYMOUS:may sarili syang choice.tho,syempre paglalaban mo yun tas pag ayaw na talaga eh di gawa ka n nman ng dcision..let go o pabayaan na lang..mga ilang ulit na pasok sa CR ang kailangan dyan para pag isipan..hahahaha!!

@Charee: walang pinaghugutan yan taeka!..hahaha..natuwa lang ako sa bago kong layout kaya gumawa ng entry na kahit ano para lang may bago..:P

reak mats ...lols..may FB dito sa page ko diba blocked FB sa office nyo? dito ka mag FB..hehehe


@NEBZ: ayun oh! noted dude.tatandaan ko yang 4way test mo..:D

onga,buti na lang batas lang ng islam eh hndi saten..hehe

natuloy ba kayo kina kenj ?

@POWKIE: hahahaah!! may naalala ako sa comment mo eh..parang applicable yang point mo sayo eh..nyahahaah!..lolz

nagulat ako napaka wholesome ng comment mo..hahaha!

Jez said...

langyan, natawa ako sa ARAL FOR THE DAY MO
-Your future depends on your dreams” So go to sleep-

tugma naman yun sa post mo oh. sa kung piliin mong matulog, eh itdepends sa iyo..

tsaka kung pipili ka, piliin mo na ang gusto mo huwag yung gusto ng iba. ikaw naman pumipili hindi sila.
tsaka yung kay manny at krista, eewwwww choice naman ni manny yon, sabi nga nya buhay nya yun, huwag ng pakialaman...ang importante magbigay sya ng balato..

iya_khin said...

parang related to sa post kong secong chance ha! between chance and choice! hmm....hirap talaga pero kung magkamali ka, next tym pagigihan na ang pagpili ng di ka masaktan!wee!

Anonymous said...

Pahabol sa mahabang comment:

Hindi minamadali ang pagpili.. Kadalasan nga kasi pag hasty ang pagdedecide marami tayong nakakalumutang importante na huli na marerealize natin Mali pala... Flop!!! At kadalasan naman kakaconsider natin sa iba ang pinakaimportante pa ang nakakalimot natin: ANG SARILI!

Sabi nga ng exboyps kong si Derek: It is never a fault to find yourself first! It is never a fault if you chose to love yourself a lil more!

Ang dami nya lang sinabi!!!!!

Ok I die nao!

-=DARNA=-

Dhianz said...

yoko na kc ganong magkoment nang bonggang bongga... abahh.. lolz.. alam moh.. anong nakakatuwa sa mga entry moh.. although yeah may mga halong komedy sometimes.. pero showbiz ang entry moh pero nakatago yung tunay na mesage moh... kung magaling ang isang tao na bumasa between d' lines eh mababasa ang mensahe moh... that's what i like 'bout 'ur blog.. even kuya ronz and josha's blog before.. u guyz are good in writin' 'bout how u really feel w/ out exactly sayin' what it is but it is hidden on every word dat u guyz are sayin'... hahaha.. make sense pa bah?... ewan... intindihin moh na lang..

hope everythin' is goin' well w/ yah... i always wish for yah to have a happily ever after.. kaya in every little thing that u gonna do you have to think ten times 'bout it... isipin moh kung ano ang magiging possible outcome.. wala naman nang dapat magsabi sau kung ano ang dapat mong gawin nor wat decision you have to make 'cause you already know it yourself... itz your life.. juz try to make a good decison everytime... to be able to do dat eh always ask for God's guidance.. take care kuyah... Godbless! -di

Anonymous said...

due to public demand... Sasagutin ko ang tanong mo.. Sa labizlayp sa kaso mo, ang paghingi ng motion for reconsideration ay may due process:
Ang court of appeals???:
1. Your heart
2. Your mind
3. Higit sa lahat Konsensya mo

Ang Supreme Court??:
1. Asawa
2. #2, 3, 4 and so on....

Nawa'y nasagot ko ang tanong mo!! Eid Mubarak sa mga Arabong gaya mo, gang sa muli!!!!!

-=DARNA=-

jemm_mica_ann said...

Minsan lang akong bumisita dito at nagustuhan ko nmn ang last entry mo lolo.

mahirap pumili sa totoo lng, isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ng tao.
pero kung pipili ka sisiguraduhin mo rin ung magiging ending ng pagpili mo. Lahat nmn ng option nasa iyo, kamaganak mo ba s Money?

Anyway, ayoko na mgsabi ng kahit ano baka may mabitawan ako hndi ko masalo! hehehe

nice entry keep it up!

baliplus said...

Hello!
how are you?
warm greeting for your family n_n

JOSHMARIE said...

Ang tagal kong hindi nakdalaw detey kuya!!! Echosero ka. Hindi daw emo, eh me pinaghuhugutan ka naman jan sa post mo. Hehe. Ang masasabi ko lang eh bilib ako sa'yo dahil tama ang pinili mo. Apir. :) I heard, uuwi ka na neks, year. Timing sa paglabas ng bebe ko. :)

DARNA: Pasok na pasok ka sa banga girl. Ang galing mo. In fairness. Hehe.

carelesshush said...

pasensya na skip reading..may hangover pa ng dextrose :D

musta naman ang pasko neybor?

isladenebz said...

Maligayang Pasko, Sir Pajay! Sa iyo at sa iyong pamilya!

Life Moto said...

Merry Blessed Christmas to you Pajay and your wife and kid. Have a great holiday ahead! Cheers! From the Kingdom of Khobar city........

m u l o n g said...

anak ng pating naman pajay

sa hinaba-haba ng post na ito at sa dami ng natutunan ko sa iyo about making choices, mauuwi pala tayo sa krista ranillo hehehe

Search Here

Popular Posts