Monday, November 2, 2009

UMA-UPDATE

Babala:[bey-beh-lah]something that serves to warn, give notice, or caution...(ok,dinifine ko lang ang meaning ng babala.wala talagang babala ang post na'to) .

..Sa ilang ulit na pabalik balik sa ospital ,napagod na rin siguro si Lurene kaya isang oras lang nakalipas pagkatapos magsilayas ang lahat ng dumalaw sa Suite nya nung gabing yun...tooooooooooooooootttt..FLATLINE!......tuluyan na syang di huminga , habang buhay ng namahinga at di na namin makikita pa. May umiyak na parang baka na kinakatay..meron naman gumulong sa kakaiyak na parang walang nars na nakakita,at meron naman di mapakali at umupo na sa Granitong sahig ng hallway sa ospital.Ang lungkot ng eksena habang ang 3mos old pa lamang noon na si lurene ay hinahalikan ko kahit itoy wala ng buhay.

Eniwey far away,si Lurene ay sinilang na may cleft palate o palatoschisis o sa mas kilalang harelip.Naoperahan agad ilang linggo after sinilang ngunit ang lahat , habang syay nabubuhay ay puro hirap ...bawat minuto umiiyak dahil di nabubusog.Eh! pano mabubusog,lahat ng intakes ay kusang lumalabas dahil kung hinde,malamang di sya makakahinga...Ang dahilan?sabi ng x-ray at ng mga doctor nya na napakarami,Bumaliktad o nag twist ang mga body organs nya.....ibig sabihin pati heart (naks english) , imbes na nasa bandang kaliwa,eh nasa bandang kanan na at lahat ng intestines labo-labo na parang kinusot at piniga ng isang labandera.ok ,tama ka,daming inborn abnormalities ng bata na yun.Kawawa na kung kawawa.....kung pwede nga lang ako na lang umako ng sakit nya at sya na lang ang mag blog ngayon.....kaso huli na ang lahat....di nya alam password ko.haha.

Bago pa lang sinilang si Lurene ay lubos na kaming nag-aalala dahil ang mommy nya (na utol ko) ay delikado ang pag bubuntis.Bakit ka nyo? hehehe...eh isa din kasi yun eh miyembro rin ng out of dis world HOOMANS ,kumbaga,isa syang ambilibabol na nilalang..hahaha!!!eh ikaw kaya mabuntis eh 3 yrs old ka pa lang?kaya mo?eh pati nga si momskie at papsie di alam kung sinong pagbibintangan nakabuntis..alangan namang ako?! shet is you!!!eh lampas isang taon pa lang ako nun at wala pang kamuwang muwang sa mundo.Kaya ayun,na flip si erpats,eh sundalo pa naman tas makikita mong nagulantang,nawindang at lahat na ng pagka gulat banggitin mo na,tinubuan na rin ata ng bangs...hahaha!!!siguro napraning ng husto si ermats noon sa nangyaring yun..hahaha..di ko na inalam ang tawag sa kondisyon na yun ng utol ko pero ang maliwanag saken nung nakita ko (ilang taon makalipas ) ang fetus na nasa garapa..yun daw ang Kambal ni utol na pumasok sa tiyan nya habang sya ay binubuntis ni momskie..tatlong taong nagbuntis si ateng!!,.Haneeep!!!kaya ayun,maaga pa lang bugbog na ang matris kaya nahirapan sa pagbuntis sa una sana nilang anak na si Lurene..ang abnormal lang???hahaha...teka,ang haba na ng wento ko..pwede na nga!!..Gusto ko lang naman talaga ipagdasal ang Kaluluwa ng AKing paboritong pamangkin dahil all saints day yesterday at all souls naman ngayon...Ikumusta mo na lang ako kay Lord Lurene.3yrs ka na jan kaya malamang nagsasalita ka na ,pakisuyo,pakisabi kay Lord madami nang naadik sa facebook kaya mag palagay na rin kayo jan.laro tayo ng poker..at mag Stat message ka rin.hehehe.nga pala,Sana ok na ang leeg mo,parang nabali ko kasi nung nilagyan kita ng ribbon sa casket mo eh..di ko kasi naisip matigas ka na pala nun eh inangat ko pa ulo mo.lols.I Miss You Lurene..text text na lang kung may load ka pa jan sa Heaven..:)

Sa mga nagtatangkang makikiramay....wag na kayong pumorma...matagal na kaming naka move on...hehehe..salamat na lang sa pagbabasa ng pitak nato...Kitakits pips!


UPDATE [n. uhp-deyt]- if you're feeling empty and you miss people around blogosphere.update.Syn.ADIK

39 comments:

Lord CM said...

Nakakita ka na ng nagbabasa ng blog na nangingilid ung luha kasabay nito ang pag ngiti? sa susunod lagay ka ng webcam sa page mo para makita mo sila lolzz

Maligayang pagbabalik parekoy at sana ipakisuyo mo rin ako at ang pamilya ko kay Lurene na sana maging ayos na ang lahat, may pasalubong kamo sya sa akin pagpunta ko sa heaven :)

RJ said...

Very interesting ang medical case ng kapatid at pamangkin mo. May ganu'n pala sa humans?!

I believe Lurene has been resting in peace...

Kumusta ang bakasyon mo sa Phils?

ryliej said...

Bilib talaga ako sayo Sir Pajay, kahit malungkot na bagay nabibigyan mo ng kulay. I feel bad for your sister though. Umuwi ka ba sa Pinas?

Salamat nga pala sa boto Sir Pajay!

Joops said...

Thank you so much for casting your vote which led to Rylie's Victorious Smile.

EǝʞsuǝJ said...

hahahahha....

akalain mo may blog ka pa pala?
joke ^_^
welkam back wans more...
(ang PINAKA-adik sa mga adik)

heheheh
May LUrene rest in peace...

so may nabubuntis pala ng 3y.o. pa lang?
how come?
hahahah....

PaJAY said...

@Lord CM: Hahaaha..onga no,nakalimutan ko Webcam..lols
ako na lang magdadala ng pasalubong mo parekoy..magagamit ko ba yan? hahaha..

salamat parekoy..

@DOC: Sa hayop nangyayare din ba yun doc?...

sa kasamaang palad Doc...di pako nakaapak ng pinas hanggang ngayon.

Salamat Doc.

@Ryliej: Salamat din ..kitakits sa kuta mo..hehehe

@Joops: ei!its been a while dude..wazzup?...

thanks..

PaJAY said...

@Jentot: hahaha...takteng yan!!kabablik ko lang nanglait ka n nman..lols....di ako doctor kaya di ko maexplain yan...hahaha..basta pumasok sa loob ang kambal...:D

(cozy)

Mr. Thoughtskoto said...

binasa ko, walang comma, walang period, as in tuloy tuloy lang, naghahalo ang emosyon, may nalulungkot, nagiisip, natatawa, nagsmile, natawa ulit, nalungkot...pero paplug-in ng raffle namin sa Thoughtskoto ha. hahaha, yun lang pala.

Magkakasabay kaya tayo bakasyon sa 23?

PaJAY said...

@Kenji: parekoy!!long tym ah...sige sige plug naten yan..no problemo...

salamat pre..

A-Z-E-L said...

naka-move on ka na pala Prof... sana si Lurene nakamove on na rin sa pagkakabali mo ng leeg nya!

sakaling may facebook na sila sa heaven.. pakisabihan ako. para mapainvite ko sya sa pamangkin ko. 3 taon din un.. gwapo! hehehehe!

musta ka na pala?

PaJAY said...

@Azel: Musta???i so miss you..hehehe..si jee kmusta na?..:D

Malamang naguusap na yung pamngkin naten dun ngayon...hahaha..

di ako masyadong ok Zel pero this too will pass...:D

kaw,hope ur ok..kitakits.

Dhianz said...

oh my gosh kuyah... u dunno how much we miss you.... hope everythin' is ok w/ yah... eventhough i'm kinda bz eh pinilit sumilip at dumaan d2... ingatz lagi kayo nang mga mahal moh sa buhay... Godbless! -di


p.s. pa-haller na lang kina kuya CM, sis Jenskee-chan and sis azel... dalaw sa inyoh laterz... bz lang lola nyoh.. lolz... =)


p.s. to kuya EJ: haha.. 'la lang... parang seryoso nang komentz koh sau... *behave* k... *sit*... *lie down*... *roll over*... lolz... *abot prize* laterz... =)

carelesshush said...

ADIK!
yun lang hahahahah

poging (ilo)CANO said...

takteng yan! puros kaadikan...

nabasa ko yung stat msg ni lurene sa ym. sabi niya "mag sign out ka na dahil wala akong sasabihin"..wahahaha..lols

PaJAY said...

@DEE: OMGSH talaga eno?..hehehe..good to see u here again dee..miss ol o you too...sige take your time lang..kitakits dee..

(cozy)

@CarelesshusH: MAS aadik!!!...yun lang din...lols..

@CANO: hahaha...taeka nanakot ka pa!!!mag babuzz daw sayo mamya si lurene...antayin mo...lolz..

Kosa said...

hindi ko alam kung anung sasabihin ko.. sabi mo naman kase naka-move-on na kayo..lols

basta kakaiba...
sobrang kakaiba...

wala pa bang paliwanag ang medisina tungkol sa mga ganung kaso?

***********************

antagal ng update... buti naman nag-update ka na ulit..lols

The Pope said...

Welcome back Prof. PJ, tagal mo kaming naghintay sa pagbubukas ng klase, happy get-together ulit ang magkakaiskwela.

May Lurene rest in peace.

p0kw4ng said...

malamang eh si Lurene na ang kumukulit kay San Pedro ngayon at tinuturuan ng humimas ng manok,hehehe

i know masaya na sya don...

meron palang ganon sa humanzz..naku kung sa mga probinsya yun eh malamang sasabihin ng albularyo eh napaglaruan,hihihi

Chyng said...

God makes all things beautiful in His own time. May chance pa naman ulitmagkaron ka ng new pamangkin! ;D

MarcoPaolo said...

hehehe... di na nga lang ako makikiramay... tapos na pala e... hehehe gumulong na pala kayo kakaiyak noon e... lolz

spinx said...

iiyak na sana ako...grabe naman ang hirit mo..
ok walang damayan....

Dhianz said...

oh my gosh... are we dreaming or are we dreaming?... lolz... abah.. active-activan sya sa blog ngaun... anyareh?... halloween special moh yan?... lolz... tapos hihiatus na naman yan... aysowz.... eniweiz... namiss ka namen prof!... *tagay*... *inuman nah* lolz... kulang ang i miss you na word para sabihin namen sau how much we miss u... nakanang naman!... pakape ka na lang... laterz.. Godbless! -di

p.s. next time kokoment kah sa koment section nde sa cbox.. tsk! =)

PaJAY said...

@KOSA:di ko napankinggan mga doctor dati ang sinasabing gamot sa case na yan pre...bading kasi ang mga doctor niya..hahaha.wala akong time makipagusap..hahahaha..pero alam ko mahirap gamutin..pti sila noon inantay n lng sumuko ang bata..:)..

newei,ang haba ng sagot ko ..lolz...kitakits pre..

@POPE: salamat pre..natats naman ako sa welkambak message mo..ramdam ko ang init...hehehe...

kitakits Pope!!tagay!!!

@POWKIE: ikaw ba yan????ang seryoso ng comment mo ah..(oo seryoso na para saken yan.hahah)...salamat powkie...(cosy)

@CHYNG: Chynggay!!!!oh! how i miss ur comments Chyng...nice to see you ulit.hehehe....yah ryt,kapapanganak lang ng utol ko..babyboy..good at ok na ok ang new baby nila...heheheh

salamat chyng sa inspiring message..naks...kiatkits..

@Marco: hahaha...ate ko gumulong hinde ako...hahahaha...salamat pa rin pre..musta na???

PaJAY said...

@SPINX: welkam sa bahay ko spinx....

hahaha...talagang sineryoso ang walang damayan eno?..hahaha..salamat parekoy..kitakits..

@DEE:mukhang bzng bz ah...U always inspire me sa mga comments mo eh..lalo na da way u miss me..naks...am always thankful having a commenter like u..hehehe..Salamat salamat dee...di ko pa kasi natapos ung post mo kaya di pa ako nag comment...medyo maliit yung font eh...hahaha..tatapusin ko na now..hehehe..sige sige..kitakits..

isladenebz said...

Nakakaluha naman to!

Ini-imagine ko pa lang kung gaano katagal ang 3 buwan, gusto ko nang sumuko. You have a courageous family, Pajay. That's how I see it.

How's Lurene's mom after 3 years?

PUSANG-gala said...

it's all about genes talaga--another testament that life is unfair. pero kawawa talaga mgha batang maraming inborn abnormalities na ganyan. hay

dylan dimaubusan said...

Wahahahaha!
Ambilibabol ka talaga Pa-jay!

Walang humpay ang pagtawa ko habang gumugulong ako sa kama ko na naluluha kakatawa sa kakabasa ng update mo..

Nabuhay ka, pambihira! Saang planeta ka ba galing?!

bangz said...

wahahaha..drama ng koment ni kua cm

naku di nman aq pngpawisan sa panonood ng scandal..

mainit lng cgru kya ngpawis hahahaha..

aus bah..

prof!!!

Dhianz said...

to sis Dylan: ---> galing sya sa planet jupiter... haha.... ayan ha... substitute muna akoh kay kuya EJ nang ilang segundo... haha... senaya nah nag-time travel siguro pabalik sa Jupiter... hintay ka lang.. babalik den yon... wehe.... =)

saul krisna said...

hahaha akala ko namamalik mata lang ako... nag post ka pala... SA WAKAS!!!!

anak ng jueteng saang lupalop ka na naman nag suot? hehehe na miss ko mga post mo parekoy ah...

PaJAY said...

@Nebz: salamat ...long tym no see ah..nakabalik ka na ba from vacay???...newei,ayun kapapangank lang ng baby boy..hehehe..kitakits..

@Pusang gala: Mismo Parekoy...masaklap para sa mga walang muwang...

musta dre?

@Dylan: Bespren!!heehe..musta na??haymishooo bespren..:D

sa Facebook ako galing..nyahahaha..

@Bangz: hahaha..korni ba yun??di naman ah! kung korni yun sayo ano na lang tawag mo dito sa bahay ko??..pampabwisit?...lols...
salamat bangs sa bisita...


@Dee: naks..salamat Dee sa pag entertain..hahaha.entertain eno??..lols...bz ka pa ren o bzbzhan n lang?..hahah

@Saul: parekoy!!!miss ko rin kuta mo parekoy..mabisita nga...salamat..

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...

at least akoh tlagang bz pero nde lang mukhang bz than ikaw bzbzhan lang tlgah pero nde naman tlgah bz. ahahaha... make sense bah?... lolz... nde... okz lang na bzbzhan kah... as long your health is fine... your family, ur kids, 'ur wife nd all 'ur love ones are fine... 'un lang ang mahalaga... kahit dehinz ka namen maramdaman... naks hangswit... haha... tc kuyah.... (cozy) Godbless! -di

Renz said...

:[ mejo nakakalungkot na medyo nakakatuwa nung huli.

ang weird ng sitwasyon hah 3 yrs old pregnant, btw ipagdadasal ko na lang cya kahit d na all souls day.

charee said...

hoy eppren.. wuz up beybeh?! naghimala dhil my entry ka.. isa itong nakakagulat na kaganapan leche ka!!

dalas-dalasan mo pagsusulat para hindi ka lalong ma-aning hahahaha!

hamishooo mwah!

PaJAY said...

Bawal magdelete dito...hahaha


@DEE:awww...amsotats..hehehebz talaga ako dee tulad mo..bz sa work at facebook..hahahakitakits dee.


@Renz: salamat parekoy!!...

@Charee: CARIDAD!!!haymishoomore ..leche ka rin!!.hahaha!!...eh bakit ikaw nag-update ka ba???d cguro!!!hahaha...

iya_khin said...

sa heaven na yun si Lurene 100% in perfect condition!

RJ said...

Wala akong narinig na ganu'ng kaso sa Obstetrics and Gynecology namin noon, Prof.

Huh! Akala ko ay umuwi ka at nagbakasyon?! Anong nangyari?

Search Here

Popular Posts