Monday, December 28, 2009

CLEAVAGE

"Hindi lahat ng bastos na lalake matino.............ako lang!!" :P

*********
Matatapos na naman ang isang taon kaya siguradong mauuso na naman ang new year's resolution .Di ko maalala kung meron na akong natupad sa mga naging resolution ko dati pero sigurado ako na marami ng di natupad....kaya itong darating na bagong taon sana matupad ko na ang gusto ko o ang resolution ko na makapag barbel para magka maskels naman ang mukha ko at maging mas ano.....
*********
Ilang kilometro ba dapat ang haba ng cleavage na dapat ipakita para di masagwa? isa? tatlo? o apat? ...yung cleavage kasi ng ka opisina ko masyadong ini expose eh! di ko naman masita dahil di ko nga alam ang pamantayan kung kelan to nagiging masagwa sa hindi ,e buti sana kasi kung bagay sa kanya..... eh lalake pa naman at ang kapal pa ng buhok sa dibdib....Mahalay kang baklita ka!
*********
Kudos! sa mga nanalo sa PEBA.Sayang! muntik na akong manalo! ang  nanalo kasi nasa al-khobar lang ,isang probinsya lang ang pagitan namin dito sa saudi! hahaha!...kidding apart,di ako nakadalo dahil di nga ako nakadalo ngunit ako'y natutuwa at naging successful ang awards night dala ng kasipagan ni Kenji at lahat ng bumubuo ng PEBA.......MAbuhay kayong lahat team PEBA ! Congrats for a job well done!salamat sa lahat ng exposure na natamo naming lahat na kalahok thru your effort.....ang lagay ba eh ganun na lang?! magpa burger naman kayo!
*********
Nakapili na ba kayo ng iboboto nyo sa eleksyon? kung sakaling tumakbo ako iboboto nyo ba ako?..............hahahaha..buti alam mo! dahil lalo lang masisira ang pilipinas! yung mga kandidato kasi ngayon parang walang dating lahat! isang guhit na lang pwede ko na silang bansagan na walang kwenta,parang ako-walang kwenta! buti nga ako may sex appeal pa eh..*wink*
Ganunpaman,kelangan ko pa ring mamili.Eh wut to do?! sa ganun eh,kailangan bumoto,kailangan mag panggap na may napupusuan ako sa mga presidentiables at iisipin ko na lang na nag lalaro lang ako ng poker.....Bahala na kumbaga!...sa ngayon,dala ng aking masusing pag usisa,si Gibo at Eddie ang nandedemonyo sa utak ko na botohin pero who knows? baka sumayaw ala beyonce ang ibang kandidato sa kampanya nila baka magdalawang isip pa ako..kahit yung "video phone" o "telephone" lang ang tugtog pwede na!!!..ikaw?may mai-rerekomenda ka ba?
*********
Bakit pula ang kulay ng itlog na maalat? di ba pwedeng brown?

*********
HAPPY NEW YEAR!!!! sa lahat ng bumibisita dito!!!sana dumami pa ang bagong blogero at mabawasan ang mga nag la-lie low gaya ng pag lie low ni Carla Abellana sa buntis issue...lols...Kampay repapips!


25 comments:

RJ said...

Kanino naman dini-display ang cleavage, kay Prof Pajay? Kasi naman kahit na bastos ka ay matino ka naman at malakas pa 'ka mo ang iyong sex appeal.

Sa psychology, red ang ginagamit na pangkulay ng mga pagkain o ng mga food logo/labels (eg. Jollibee, Red Ribbon, KFC, etc) sapagkat ito ay nagsi-stimulate ng appetite. (Ang brown, nagri-represent ng kulay ng kahoy, lupa, leather, at ito'y nangangahulugan ng kalungkutan.)

ITLOG na pula. Ang pula, sabi ng psychology, ay erotic. Tingnan mo 'yang RED lips, lady in RED, RED panty (parental guidance pls.), pulang kulay ng kuko at RED light districts!

Ang pula ay nagsisimbolo rin ng tapang at lakas ng loob! Tulad ng mga bumubuo ng PEBA, Inc at ang mga 2009 nominees. Kapag red flag ang nakataas, panalo di ba, victorious, tulad ng PEBA!

Sino naman si Carla Abellana?

Lord CM said...

Hehehe :D Taenang baklita yan dapat yan tanggalan ng cabbage eh, ngek! cleavage pala lolzz

EǝʞsuǝJ said...

pare meri xmas to you!!!!!

^____^

busy ako nung mga nakaraang araw...
(akalain mo un)
ni pag-aadik sa FB, ndi ko maasikaso..

nyahaahah....

tapalan mo ng masking tape yung cabbage ng opismate mo para madala!
bwahahaha!!!

Dhianz said...

kaw makikitingin ka lang nang cleavage nagn kasamahan moh... rereklamo ka pah... aheheh... kuya EJ!.... belated merry christmas sa iyo at sa mahal mong family... sa mom moh, dad moh, sa wifey moh and sa kids moh... kung meron man akong nakalimutan batiin pakibati na lang... wehe... and advance happy new year na ren... congratz sa PEBA!... teka ba' t ditoh akoh naki-congratz? ahehe... laterz kuyah... wish yah all d' best in life... *hugz*... Godbless! -di

Kosa said...

huh?
buntis ba si Carla Abellana?

************

kung sakaling tumakbo ka sa darating na eleksyon parekoy, sabihan mo ako't ikakampanya kita ng libreng libre... para saan bat kaibigan kita.. wooohuuuuh!

************

ahhh.. si Gibo pwede pa! pero si Mang Eddie? (kunot noo) tabi-tabi po...

************

masaya pala pagusapan ng cleavage...lols

A-Z-E-L said...

maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa PEBA...

napaclick ako nung makita ko ang title... ahahahaha!

congrats sa bagong template... maganda :)

PaJAY said...

@RJ: ui! bago ang lahat congrats muna pre!!!di nagkatotoo ang hula kong ikaw mananalo..pero ok lang,smart blogger naman eh! proud pa rin ang klasrum ni Pajay sayo DOk!kampay!!!

ok ang sagot sa bakit pula....at dahil jan ,may kukulayan akong itlog....para maging inviting ang itlog na hawak ko....:D


Salamat doc!..:D

@@Lordcm: Parekoy! congrats!...may utang ka saken ngayon...kailangan manlibre ka...hahaha..hahaha...mukhang cabbage nga parekoy!!!kulubot eh!...lols

@Jentot: hahaha....eh di tanggal lahat ng buhok nun!...lols..di ko maimagine..hahaha

Happy new year jentot...ikaw lang ang adik sa FB....ako ano lang......slight...lols

@Dee: hahaha..di kasi ako mahilig sa cleavage dee...lols

salamat sa bati dee...likewise...enjoy ur new year celebration there!...ingats dee..

PaJAY said...
This comment has been removed by the author.
PaJAY said...

@Kosa: nyahahaha...di pala kilalal si Carla jan? si Rosalinda ng pinas yan pre...lols

ayaw ko rin kay eddi eh kaso walang iba pre...kesa naman si erap at gordon...tae!..lols

Maraming cleavage jan pre..mas lalong masaya tignan yan kesa pag usapan...lols

@AzeL: salamat din Azel...happy new year..more power sa peba!!

Anonymous said...

Echosera ka!!! Ikaw na nga lang titingin ng klibeyds ng may klibeyds DAMI MO PA REKLAMO!!!! walang pamantayan kung gang san dapat ang ipakita ng tao ang klibeyds nya!!! nasa tumitingin yon.. at kung MALISYOSO ang titingin.. *kagaya mo* (neeeenjahhh) malamangggg.. alam mo na ibig kong sabihin..

Normal lang yun sa kostyum ko!!!

-=DARNA=-

Chyng said...

May mga tao talagang malaswa. hihihi

New layout, cheers! Ü

p0kw4ng said...

green kung green..parang utak lang natin!

eh kung cleavage sa pwet ang makita..masagwa din db kahit na 1 inch lang ang lumabas? hihihi

Yellow Bells said...

nuon yosi at sex ngayon nman cleavage. isa ata itong pakulo para maraming bumasa ng post mo pero in fairness napaclick din ako. talaga bang ang mga words na ganito ay nakakastimulate ng isip kagaya ng red lipstick at red nailpolish. teka nga...cya hayaan na natin.nweiz!!!! inad kita sa blogmates ko if you dont mind. paadd din ha. cge na cleavage este pajay pala peace Happy new year!!!

bangz said...

prof..

nmis kita

tgal ko hinitay

new post moh..

cyndirellaz said...

ang haba ng hair ng ka- opis mate mo na yun! heheh! happy new year! ^__^

isladenebz said...

E ung iba jan, isang probinsya lang ang layo e hindi naman nagpapakita! E meron naman tsikot na hawak! Mano bang magpakita kapag bumababa ng Alkhobar (na I'm sure linggo linggo mong ginagawa). D naman ako matakaw. Kahit Bahar, e-enjoyin ko. (Wag na sa Thai dahil mahal. Wawa ka naman).

Cleavage: Bakit nga kaya sa Saudi, bawal naman, pero ang dami-daming...lam mo na. (Hindi nagkaka-anak pero dumadami).

Eleksyon 2010: Ayaw mo kay Noynoy?

Manigong Bagong Taon, Pajay! Painom ko naman!

PaJAY said...

@Anonymous aka darna: hahahaha..sino ka ba at napaka depensib mo maxado???...opismate ba kita?...lols..

di ako malisyoso...delisyoso lang...hahaha!

@Chyng: syempre hindi ako kasali dun sa mga taong masagwa dba chyng?hehehe..happy new year chyng!

@Powkie: nyahahaha...hangsagwa mo lang powks!lulz...kung babae cguro pwede!..hahaha..

@Yellow: hehehe...sunod neto tungkol sa santo na.relihiyoso na ako...hahaha..

salamat yellow bells..:D

@Bangz: haymishoo u too...hapi new year!!! kitakits sa bahaws mo..:D

PaJAY said...

@cyndi: cynd! haymishoo! hehehe...happy new year din sayo and ur family there!..cheers!

@nebz: hahahaha...eh kelan mo ba ako ttreat? bukas na? lols

ang tagal ng reaction sa comment ko sayo ah? san ka ba nagtatago nebz? hehehe

Happy new year nebz...cheers!!!

Stacey said...

Waa ang kulit ng blog post talagang vakler ang kumarir...

BTW Pajay, to kick things off in 2010...

Tulungan natin ang ating mga kabataang Pinoy na makapag aral ng libre.

Invite sana kita to take part in my first anniversary special: a blog campaign for Free College Education.

Visit http://www.staceyavenue.com/2009/12/stacey-avenues-first-anniversary.html for details :)

Maraming salamats!!!

bangz said...

prof n link na kita

link m din aq sau!!

hhaha..exchange.

Mamats sa pagbasa ng blog ko..
although tpos na kami ni zoxie naun..

wla n kmi at leats khit pnu
ntututo akong mghntay at mgsakripisyo pra sa kany..ung blog n un gnwa ko un pinost ko 2days be4 kmi mghwlay..hays

prof..laki ng nggwa ng blog mo skin

tnx

PaJAY said...

@bangz: nax! napapatumbling naman ako sayo nyan bangz..hehehehe..


salamat....happy new dear sayo!...hehehe

Mga Epal said...

Isa lang ang sasagutin namin.

hindi pwedeng brown ang maalat na itlog dahil brown ang kulay ng century egg (balot ng lupa dahil binabaon yun). baka malilito ang mga nagpapanggap na bobo.

happy new year ngapla.

cheness said...

anak ng! nagtanong ka kasi tungkol sa itlog.. ayan!sinigod ka tuloy ni RJ...

wag ka mag alala.. pag tumakbo ka naman iboboto kita... nagbabalak kasi acong ipalegalize ang fruitgame at video karera, eh kahit pano may pinagsamahan naman tayo dito sa blogosphere kaya alam cong di mo co tatanggihan..hehe

pastilan! hanggang ngayon di parin aco botante eh... pero ang napupusuan co ay si noynoy.. fans kasi aco ni kris eh..

eh kung ang cleavage naman eh hanggang pusod, eh ewan co nalang... saka depende sa kulay ng buhok sa dibdib.. kasi kung mejo blonde eh malamang pink ung ano nun... ewan co... wala talaga aco alam, gusto co lang mag comment.. nabagot na co mag comment sa FB eh.. hehe

Anonymous said...

Like to date online? Try CHUZI.PH!!!

simple life living said...

Bakit parang pang karaniwan na ang pagpapakita ng cleavage? ano ba sa tagalog ang cleavage?

Search Here

Popular Posts