Wednesday, May 5, 2010

ANG SABI NI MOMMY

Noong tayo'y mga paslit, Ang dami nating karanasan sa ating mga kalaro.Mga kalaro na may ibat ibang karakter ,aura,at personalidad at trip sa buhay.May kalaro ka siguro noon na :

1. Mamas boy – mayaman na madalas ayaw pagamit ng laruan dahil baka raw marumihan o masira .madalas,pag sya’y nadapa o kinakantyawan.iyak agad sabay hanap kay mommy o ate.spoiled at ma -tantrums.Abnoy!
2.Tabachingching-yung kalaro mong mataba na alang ginawa kundi kumain at magpakasarap sa buhay.mabait sa mabait ,sunod ng sunod kung anong gagawin ng karamihan o sa madaling salita ,pakisama all the way,kahit mali na ginagawa mo okay lang sa kanya! Pakikisama e.madalas din sya yung madaldal!..Di mo nga lang pwedeng biruin dahil kayang kaya ka nyang hambalusin.pikon!
3.Cool boy-kadalasan anak ng mga ofw.mababait,mapagkumbaba,madalas manlibre,may konting pagkamahangin nga lang,,madalas kaaway si mamas boy sa tuwing nagyayabangan sa bago nilang laruan.Hang-gara!
4.Maldita- babaeng kalaro na madalas inaaway si tabachingching,close sa mga kalarong mayayaman pero pagnakatalikod kung anu anong panlalait ang sinasabi .madalas may crush kay Cool boy at bright boy.Hangtaray!!!
5. Bright boy-sya yung kalaro mong madalas nasa sulok lang,nag oobserba at habang busy si mamas boy at cool boy sa yabangan sya yung tipong binubusisi na muna  kung bakit umiikot ang gulong ng sasakyan sa laruan kessa sa gumawa ng kagaguhan.sa sobrang kabisihan,di na makapag alaska kay tabachingching o makipag kantyawan kanino man.Idol!
6.Altar boy-kalaro na masyadong banal sa paningin ng nanay mo.Totoong mabait naman kahit papano at maka-diyos nga. Madalas nga lang,minsan,sya yung nagtuturo sayo ng mga bagong kalokohan dahil pagod na syang magpanggap na banal..yayayain kang tumakas,umakyakt sa bayabas,mamitas ng mangga ng may mangga,at kung may pagkakataon ,tuturuan kang magbasa ng komiks na bastos.kumbaga,madaming alam!at marami pang gustong subukan dahil nauubos ang oras nya sa simbahan habang ang kalaro nyay marami ng bagong nalalaman.sabik gumawa ng pasekretong kasalanan!
7.Amboy- minsan japboy,saudiboy,o afroboy- anak ng mayaman .Mahirap pakisamahan,madami ring alam,gusto nya sya parati masusunod dahil sya na daw ang pinakamagaling dahil amboy nga. Feeling sikat,demanding,may kayabangan,minsan mababait pero pag cheap ang dating mo,di ka papansinin.speak in English muna para pansinin ka.Hang-arte!..lols
8.Lampayatot-ang parating naasar at inuutusan sa grupo,lahat ng sasabihin ni amboy,mamas boy,at cool boy masusunod.mabait..sobrang bait! Kaya lang pag tinulak ni tabachingching.iyak agad.Di na makalaban.Takot!.

Medyo mababaw at kulang siguro kung ikukumpara ko ang mga "PRESIDENTIABLES" natin ngayon  sa karakter ng mga kalaro natin noon.Ngunit ,subalit,datapwat,ang ating mga kalaro ay pwedeng maging basehan kung sino sa kanila ang  mas gusto mong maging matalik na kaibigan.Si number one ba? 2,3,4,5,6,7 o 8? Madalas kasi mas gusto ng mommy mo dun ka sa bright dahil gusto nya maging bright ka rin:Tama ba?...anyhoo,Kalimutan na natin ang mga dati nating kalaro.Ano kaya kung ganito na lang:nasa isang klasrum ang ating mga presidentiables at kailangan nilang mag elect ng class president.Sino kaya ang mananalong presidente?tingin nyo?syempre di pwedeng iboto ang sarili:Hangkapal naman ng mukha nila nun…Tingin nyo sino kaya mananalo? ANo ba ang sabi ni Mommy?

Marahil ay may kanya kanya tayong opinyon kaya lang sa tingin ko (tingin ko lang naman,walang sapilitan) iiral pa rin ang dating nakagawian na senaryo- ang madalas maging class president  ay ang nangunguna academically o yung matalino.Kaya kung ako ang teacher nila at ang pangalan ko ay FILIPINAS,'di na ako magdadalawang isip,mas gusto ko yung pinakamagaling kong studyante ang mamuno ta's ang vice ko yung BAYANI.Treasurer na lang si Cool boy,auditor si Mamas boy,secretary si Maldita,PIO si amboy, Sgt. at arms si tabachingching, si lampayatot ang escort ta's si altar boy ang taga bura ng pisara:tama ba ?kaya para sa akin, sa darating na halalan……….. 




Ilang araw na lang magkakalaman na naman kung natuto na ba tayong mga pinoy o hindi pa rin.Iboto ang sa tingin nyong maging mabuting kaibigan ng lahat ng pinoy sa loob ng anim na taon.Anim mga tsong! Six! Anim!!! Medyo matagal yan..kaya umayos kayo sa pag pili!..Good luck sa atin!

"Gibo is the best 
and the brightest torch 
in this, our darkest hour."

- F. Sionil Jose

14 comments:

an_indecent_mind said...

hehehe!! paid advertisement pala to..

welkam bak!

Lord CM said...

Hehehe :D Daming pasakalye eh...

Pero kung ako papapiliin sa mga kalaro ko dati, hindi lang si Bright boy ang pipiliin ko, isasama ko si Amboy at kung pwedeng nasa isang tao yang dalawang yan edi maganda...

Eh nagkataong nasa isang katawan nga si Bright boy at Amboy, sya ang iboboto ko, si GORDON!

lolzz pero seryoso ako jan pre...tama si nanay mo, na kailangan natin ng matalinong presidente pero kailangan din natin ng Amboy na may puso sa Pilipino at may napatunayan na :)

PaJAY said...

nyahaha! hindi to bayad @indecent mind...Gusto moko bayaran? hahaha

salamat.

@parenglord: hahahaha! tumpak balakubak!! sa na nga Vice na lang tinakbo ni amboy e para silang 2 ni Bright boy magsama o di kaya Vice versa.tsss.

cathy said...

GORDON for president!

igalang ang kanya kanyang paniniwala sa presidenteng napipili.. isang malinis at tahimik na eleksyon.

welcome back pajay!

PaJAY said...

@cathy: tumpak!!! ginagalang din kita sa gusto mo!! Goodluck sa mga kandidato natin!! kampay!!!

salamat

saul krisna said...

welcome back parekoy

hmmmm pwede bang si tabachingching na lang... ahehehehehe

PaJAY said...

@saul: nakukyutan ka pa rin pala kay tabachingching.ayus yan!!! hehehe.Kung san ka masaya parekoy...Banat!

dee said...

kala koh namalikmata akong may entry kah... nakanang nemen... teka kala koh uwi na u sa pinas? nd uhm halalan... *churi* not so aware of d president candidates sa pinas... not dat i dnt care eh nde naman kc ako boboto... nd bz daw akoh para alamin... i dunno y i have to explain dat... haha... anyhoo... sino man silah galing nang pagka-use moh nang mga bata to describe them... while i was reading it cause i thought at first huhulaan namen san ka don... haha... anyhoo i would choose sana kaw si bright boy... naks... kaw pala dapat binoto... kc tapos na election devah? so yeah... i said so much nah... sige pag natuloy ka sa pag-uwi eh have a safe trip sau nd ingatz sa family mo nd all ur love ones... Godbless!

Kosa said...

wow.
sinu ba sa nga presidentiables ang Tabachingching? hehe

nahahati parin ako sa dalawang kandidato...
Gibo
o
Villar.
Pogi din sana si Gordon pero parang medyo mahina.. hehe

Louella said...

i'm either for gordon or g1bo. but last week, i saw the way of THE dick and so, i'm more inclined to following it. =)


ayos, prof! welcome back! i had been waiting for your fresh entry too long.

master said...

# 6 ako. Altar boy

jazz said...

gfg5rrrgfg

noypi said...

nice blog...

Anonymous said...

Did you know that USA and Europe blocked Wikileaks? What do you think about it?
Hope for no silence

Search Here

Popular Posts