Friday, April 15, 2011

BUYANGYANGAN

SULAT MULA SA ISANG GUSTO SANANG MAGING OFW.


(Maiksi lang naman, pagtyagaan mo na.)


Sa iyo,


Malamang pag nabasa mo ‘to, nasa Pilipinas na ko. Pwedeng nakikipag-inuman, nakikipag-kwentuhan o kaya eh nagsisimula ng panibagong kinabukasan. Simula dahil kailangan ko ulit mag-umpisa.


Nakipagsapalaran ako sa Singapore. Ang dami ko na kasing kwentong narinig tungkol sa mga Pinoy na umasenso dahil sa pagtatrabaho nila sa SG. Yun bang umaalis bilang turista habang kinakabahan at halos maihi habang nasa Immigration sa NAIA. Pero pag nakalusot, parang nabunutan ng tinik at maluwag na silang nakakahinga.


Nung umalis ako ng Pinas, baon ko lahat. Nag resign ako sa trabaho at dala kung ano man ang perang naipon ko. Siyempre ang malupit, bumili ako ng mga bagong damit. Ang gaganda ng tabas ng mga bago kong long sleeves. Yun bang mga uso ngayon na sakto lang sa katawan tapos itutupi ang manggas ng lagpas sa siko. Sa isip isip ko lang, aba eh kung sakaling nasa opisina na ko, hindi naman ako papahuli sa porma ng mga katrabaho ko kahit baguhan lang ako.


At isa pa, ang sabi kasi mas mahal daw ang mga ganuong pamorma sa SG.


Bago rin ang mga medyas ko, iniwan ko na yung mga naghihimulmol na pinaglumaan. Mahigit sampu rin ang panyong binili ko sa may footbridge papunta sa SM North. Pareho din naman kako kasi ang mga iyun dun sa mga tinda loob ng department store. Siguro may ilang depekto nga lang.


Maliban sa mga bagong brief kong sinusuot, umorder pa ko anim na piraso sa kapit bahay namin. Pinili ko ang pinaka malulupet na design mula sa catalog nya. Tulad na lang ba nung may print na mangangagat na tigre sa harap o kaya eh yung mga disenyong tribal-tribal ek ek.


Kahit medyo matagal-tagal na rin akong di nakakapag suot ng katad na sapatos, bumili na rin ako. Yung bang medyo tulisan ng konti. Poporma na rin lang tayo edi isagad-sagad na di ba?


Sa madaling salita handa ako! Naka kondisyon ang isip ko na medyo matagal-tagal din akong mawawala ng Pinas. Pero ayus lang yun, asenso naman ang kapalit nun eh. Sabi nga, kung kikita lang sa Pilipinas ng katulad kikitain sa abroad, bakit nga ba iiwanan ng isang tao ang pamilya at mga mahal niya sa buhay di ba? Basta para sa kanila.


Iyun nga lang, iba sa sitwasyon ko. Sabi ko nga, pag sakay at pagbaba ko ng eroplano, walang kasiguraduhan. Sugal lang.


Sa kasamaang palad...natalo ako sa sugal.


Di ko alam kung bakit. Di ko rin naman tatanggapin na bobo at wala akong diskarte. May mga posisyon naman kasi na swak ang pinag-aralan at karanasan ko, nakaka excite nga magpadala ng application sa kanila eh. Yun nga lang, iisa lang lagi ang sinasabi nila tuwing tumatawag at nagtatanong ako. Hindi daw pwede para sa mga foreigner yung posisyon.


Hanggang sa dumating na nga ang araw na mapapaso na ang pass ko dito. No choice. Nakapag extend na ko kaya kailangan ko nang umuwi.


Okay sanang maging OFW at mapabilang dun sa mga kababayan nating nagtitiis at kumakayod sa ibang bansa basta nakikita lang yung bunga ng pinaghirapan nila. Magandang pakiramdam yung mabili at maipadala mo yung mga binibilin nila tuwing nakakausap mo sila. Kahit malayo ka, konswelo na yung alam mong hindi sila kinakapos.


Paminsan minsan, may mga araw din lalo na kapag walang pasok na makakasama sa inuman yung ilang kababayan na makikilala. Kwentuhan, tawanang walang humpay at baka minsan o madalas eh may pataasan pa ng ihi. Iba –iba man ang dahilan, pagdating sa dulo magkakasundo rin kung bakit kayo nagkasama-sama.


Sayang hindi ko pala mararanasan yun. Halos di ko rin nakakinabangan ang mga bagong damit ko.


Umalis ako ng Pilipinas hindi dahil gusto ko. Umalis ako dahil kailangan. Sabi nga ng isang kaibigan, walang umaalis at tumatalikod dahil gusto nila, kailangan lang talaga. Sino nga ba naman ang gugustuhing iwanan ang pamilya? Magtitiis ka dahil kailangan.


Naghangad lang naman ako ng asenso. Sabi ko nga sugal. Ganuon talaga, pwedeng matalo pero ayus sana kung mananalo. Iyun nga lang, kaniya kaniya kasing baraha. Hindi lahat pwedeng makakuha ng alas.


Nakakapanlumo. Pero no regrets. Ginawa ko lahat ng kaya kong gawin. Higit sa lahat, ginawa ko rin yung ayaw kong gawin, yung umalis.


Sa isang banda, masayang nandito na ulit ako. Wala na ding homesick. Hangad ko na lang, malagay sana sa tamang direksyon ang bagong pagsisimula ko.


Salamat sa pakikinig sa kwento ko (bagamat alam kong binasa mo).


Ako™



*Ang inyong nabasa ay maaaring kwento nya,kwento mo,kwento ninyo o kwento ng kaibigan ko.'wag na kayong magtanong kung sinong lumikha ng liham na'to dahil baka ma-unsyame pa at malasin ako, sayang ang libreng tiket sa universal studio(s).hahaha!



Share

17 comments:

YanaH said...

i hope things work out fine with him sa pag-uwi nya. Im sure may iba pang plano si Papa God sa kanya. Baka kailangan lang mas magtiyaga sya at hindi maiinip.

Good things come to those who wait.

God bless him..

PaJAY said...

Salamat SISTER yanah...=))) cgurado papalarin pa yang kaibigan natin na yan..

The Gasoline Dude said...

Nalungkot ako. :(

bulakbolero.sg said...

Kinikilabutan ako habang binabasa ko ang liham.

nakakalungkot.

sugal talaga ang buhay. pakikipagsapalaran. hindi natin alam kung anu ang nangyayari. kung nakatakda man ito o kung anu pa man.

Nagdarasal ako na sana etong kwento ito ay lalong magpatatag ng mga pangarap NYA.... Kaya tayo nabubuhay dahil sa pamilya natin. kaya tayo nabubuhay dahil may pangarap tayo.

lipad pa saranggola. malayo pa ang mararating mo.

keep on rockin' ser. \m/

lubos na humahanga sa iyong katapangan sa pag sugal ng buhay,
bulakbolero

Santo Santino said...

nakakalungkot nga ang nangyari. Sabi nga nila may kasama na ding swerte ang kapalaran ng mga pinoy dito sa Singapore.

Ako nakikipagsapalaran din dito. Naghihintay din sa mga susunod na araw kung anong mangyayari sa kapalaran ko dito. Sana maganda pero kung hindi naman tatanggapin ng maluwag. Kanya kanyang kapalaran lang nmn yan.

Antayin ko na lang kung anong mga susunod na mangyayari sa buhay ko dito sa bansang ito.

Bon said...

Totoong sugal ang pangingibang bayan at dapat talaga handa sa lahat ng posibleng manyari hindi sapat anh plan A at plan B ma maganda mas marami..

Sa isang banda maaring may dahilan kung bakit magkataon na kinakailangan nyang bumalik ng pilipinas maaaring nandyan talaga ang kanyang ikakaginhawa kailangan lang ng mas ibayong tyaga at sikap..

Sana maging ok na uli sya sa bagong simula! Salamat sa pagbahagi ng magandanh kwento na talaga namang may aral lalo sa mga nagbabalak na mag abroad..

A-Z-3-L said...

ganyan talaga ang buhay, hindi lahat sinuswerte.

hangad kong mayos muli ang buhay NIYA sa pagbalik nya sa PINAS. Ganon talaga, kailangang sumugal.

May ibang plano si Lord. Kailangan lng nyang malaman kung ano un :)

PaJAY said...

@gasdude:ikaw na ang nalungkot...=))))) itagay na yan..;D

@bulakbolero: ayown o...may tama ka jan pre! matutuwa si parekoy sa kumento mo..pampalubag loob..hehehe

@Santo santino: Mabuhay ka pre! pagpatuloy mo lang yan pre hanggat kaya..gudlak!

PaJAY said...

@bon:sana mabasa ng may akda ang komentong yan pre..siguradong mahihimasmasan yun kahit papano..salamat parekoy!

mabuhay si "may akda"!:D

@Azel:hangad ko rin ang recovery na mabilis ng may akda zel...

ano nga kaya ang plano ni Lord? natanong mo na ba kay lordcm? hehehe

salamat sa comento..

Dhianz said...

anyareh?... *churi* nde akoh nagbasa... ingatz sexy nd wafu kong kuyah... *ubo* lolz...ingatz sila sau... Godbless!

Dhianz said...

i take back my *ubo* part... nakanang naman hangwafu nd hangsexy nemen nyah sa page ni jepoy ahh... nakanang naman oo.... old pix 'un noh?... lolz... kung current 'un... nakanang naman hangwafu.... oh u can stop smilin' now... baka mapagod kah... lolz.. later wafu kong kuyah! =P

PaJAY said...

@dee:hanggulo mo kausap a...minsan ka na nga lang dumalaw dito di ka pa nagbabasa..hahaha...di ko kwento yan..sa kaibigan natin yan...basahin mo kasi..hehehe..

Dhianz said...

*churi* bawi later... magulo yutakz nang lola moh =P miss yah kuyah.. ingatz lagi... Godbless!

KYRA said...

Nakakalungkot rin basahin ang story mo, on the other hand, may rason yan kung bakit , ika nga "it wasn't meant to be." Natalo ka nga sa sugal, pero i assure you that there is somthing more God has installed for you, kaya open yr heart and yr mind for sure He will give you the sign. Good Luck :)

hardaway said...

ok lang yan tol., ipon lang ulit tapos sugal ulit.,., kayang kaya mo naman bawiin yung isinugal mo., pasasaan pat mananalo ka din., atleast sa susunod na pagsugal mo mas magaling ka na dumiskarte., di pa lang siguro ngayun ung panahon mo., pero darating din yan., napatunayan kong mas magaling tayo kesa sa kanila (singaporean, malaysian, indonesian, chinese, indian) Isa din ako sa mga pinoy na sumugal dito tulad ng pagsugal mo., medyo binuenas nga lang at nakabunot ng alas., gudluck sayo tol., :) -JD proud pinoy

poks said...

kakalungkot!! parang buhay lab lang yan! may hindi swerte at swerte!!

pero kahit na gaano ka kadown ngayon kasi hindi nasunod ang plano eh makakabangon ka din....mahirap kaya ang nakahiga lang for life! hihihi

kaya yan...kung sino man sya!! may plano na MAS maganda sayo si Fafa Jetut..pwamis!!

OFWAbroad said...

Good day. I am Mela of OFWAbroad.com and I would like to congratulate you for having such wonderful blog with great content. I would also like to invite you to be a guest blogger in our site.

You are free to post new content or repost an entry that is originally written in your blog. As a guest blogger, we can also display your blog badge or banner in our site, thus generating more traffic in your blog.

If you wish to be a guest blogger or have any inquiries, please free to contact us at blog@ofwabroad.com

Thanks for your time and we are looking forward to your response.

More power!

Mela of OFWAbroad.com

Search Here

Popular Posts