Sunday, January 29, 2012

Pera Lang yan...

Gusto ko ng Bagong Rudy Project sunglasses, yung magmumukha akong artista.....Bagong 40" LED TV para sa Bago kong kwarto, yung Samsung lang para di masyadong sosyal.Gusto ko rin makabili na ng ipad dahil baka malaos na di man lang ako nagkaron. Bagong Lacoste na Sneakers na tag 150sgd lang para mapalitan na ang dirty white kong sapatos na dating pure white.
Gusto ko ring bumili ng bagong distortion para sa kabibili ko lang na Gitara para masulit ko na ang pagpapangap na rakenrol slash feelingerong artist..... at Higit sa lahat ,gusto kong bumili ng plane ticket papuntang china,greece,new zealand at Australia para magkaron ng bagong profile pic sa Facebuk at mag Job hunting na ren....Ang dami kong gustong bilhin!...kaso negative ata to'ng listahan na'to ngayon.....Nauubusan ako madalas ng pera dito sa SG dahil sa katangahan ko na rin.Ang sabi kasi ng monthly budget ko dapat 400sgd lng kada buwan para sa pagkain,kaso-PHALED!!100dlrs lang para sa transpo-PHALED! 50dlrs lang for shopping-PHALED!!!!80 dlrs lang para sa telepono-PHALED! 200 dlrs para sa gimik-U GOT IT!!!EPICPHALE!!!!


Parang nakakaantok lang isipin kung mabibili ko ba next month o nxtnxt month lahat ng Gusto ko-parang malabo ata....hanglabooooo!!!!!

Kung bumili na lang kaya ako ng Bagong BIBLE?yung Cambridge hardbound na 100 dlrs lang? Ano sa tingin mo dre?



Ang dami kong sinabi ,sana kinanta ko na lang ang "ako Ay may lobo" adele version..

iba talaga nagagawa ng 48 dlrs na ginastos sa Videoke.buma-blog e..LOL LOL LOL...

15 comments:

saM said...

hahaha parang wish mo yung 48 pinambili mo ng mga nasa wishlist mo ah :P

PaJAY said...

wahahaha...buti na lang nag enjoy,at buti na lang marami kinanta mo.sulit ang 48 sa pakikinig sayo...sa uulitin ha?...:))

dhianz said...

oo nga pera lang yan!... eh me utang ka pa nga saken devah.. =P

PaJAY said...

@dhianz:hahaha...magkano na ba bill ko dee? sang taong sahod na ba? :))))

p0ks said...

bakit parang pareho tayo ng mga pinag dadaanan?? daming gustong bilhin at daming gustong puntahan?! mag bebertdey ka na din ba?? hehehehe

bago kong bahay to..inilit na yung sa wp ko eh..ahahaha

bulakbolero.sg said...

nyahahaha. talagang mayroong dedicated post para dito? kainaman. at talaga ang haba ng intro.

PaJAY said...

@poks: ganyan talaga powkie pag hampaslupa tulad naten...o panggap ka lang?hahaha...ui!punta ka raw d2 sabi ni jepoy? sabihan moko...papalibre ako sayo e..lol

PaJAY said...

@Joel: Angtagal kc ng sayo...atat na akong mag comment..LOL

bien said...

di maka-get-over sa kuwarenta-otcho! ako rin ektweli haha


infurnace paps, may future ang puma-falsetto mong voice

leonajane said...

ako din ang daming gusto bilhin, pero di ko rin mabili. anyway, sa umpisa lang naman masaya yung mga bagay-bagay na ganyan, pwede paglipasan. basta maayos lang ang life mas bongga yun.

gusto ko din nung Bible. meron lang kasi ako apps sa phone. :)

oy thanks sa makabagbag damdamin mong bday message! sayang di ako nakasama sa bijoke nyo.

The Gasoline Dude™ said...

Gusto ko din ng iPad! :(

Kol Me Empi said...

Ako din madaming gustong bilhin. Lol

meltedbutter said...

hahahah at napadaan ako dito sa tambayan mo! lol

ikaw na ang REACH! hindi ka namin ma RICH sa dami ng gusto mong bilhin! :)))

Arvin U. de la Peña said...

naalala ko tuloy si Pacquiao na naging mahilig magbasa na ng bible....

your chismoso babe said...

Hahaha..tamaang pagtitipid lang yan idol!

Search Here

Popular Posts