May hinahanap ka?

Loading...

Sunday, January 29, 2012

Pera Lang yan...

Gusto ko ng Bagong Rudy Project sunglasses,yung magmumukha akong artista.....Bagong 40" LED TV para sa Bago kong kwarto,yung Samsung lang para di masyadong sosyal.Gusto ko rin makabili na ng ipad dahil baka malaos na di man lang ako nagkaron.Bagong Lacoste na Sneakers na tag 150sgd lang para mapalitan na ang dirty white kong sapatos na dating pure white.
Gusto ko ring bumili ng bagong distortion para sa kabibili ko lang na Gitara para masulit ko na ang pagpapangap na rakenrol slash feelingerong artist..... at Higit sa lahat ,gusto kong bumili ng plane ticket papuntang china,greece,new zealand at Australia para magkaron ng bagong profile pic sa Facebuk at mag Job hunting na ren....Ang dami kong gustong bilhin!...kaso negative ata to'ng listahan na'to ngayon.....Nauubusan ako madalas ng pera dito sa SG dahil sa katangahan ko na rin.Ang sabi kasi ng monthly budget ko dapat 400sgd lng kada buwan para sa pagkain,kaso-PHALED!!100dlrs lang para sa transpo-PHALED! 50dlrs lang for shopping-PHALED!!!!80 dlrs lang para sa telepono-PHALED! 200 dlrs para sa gimik-U GOT IT!!!EPICPHALE!!!!


Parang nakakaantok lang isipin kung mabibili ko ba next month o nxtnxt month lahat ng Gusto ko-parang malabo ata....hanglabooooo!!!!!

Kung bumili na lang kaya ako ng Bagong BIBLE?yung Cambridge hardbound na 100 dlrs lang? Ano sa tingin mo dre?



Ang dami kong sinabi ,sana kinanta ko na lang ang "ako Ay may lobo" adele version..

iba talaga nagagawa ng 48 dlrs na ginastos sa Videoke.buma-blog e..LOL LOL LOL...

Sunday, December 18, 2011

HINAGPIS NG PANATIKONG UMASA...



BWAKANANGINANGBEACH!!!!!!Sayang Jayme!!!Better luck next time.......... "Na naman" !
Galit ba ako? di ako makatulog? di matanggap? pikon? asar talo? Badtrip? gustong magwala?bigong bigo? Oo! O.A man rin kung tawagin, pero sa lahat ng nangyari sa "TEAM" ko ito na ata ang pinakamalupit na saksak sa dibdib magmula ng sinundan ko - mula pa no'ng grade six ako ang "PUREFOODS" hotdogs na "BMEG" na ngayon...oo,Basketbol lang ang topic ko ngayon at di ko matiis na di i-blog dahil gusto kong magwala at di ko matanggap tanggap ang pagkatalo ng B-MEG llamados sa kamay ni Gary David at POWERADE.Bilang panatiko,Gibang giba ang emosyon ko! Imagine all the people!!!Number one team?! 10 Wins 4 lang na talo. kalaban ang nasa pang-walo na 6-8 ang record ? tapos SILAT? dalawang sunod na talo? at tanggal na sa SEMIS! *insert lahat ng mura dito*.........


Ang Init ng kamay ni Gary David! pinahanga ako ni Anthony Taberna sa nilaro nya kahit sya ang unang dahilan ba't natalo ang "team" ko.Wala pati akong masabi na masama sa kanya at sa buong *hinayupak* na POWERADE........Nabwisit ako mismo sa Pag-asang binigay ni Tim Cone sa buong Bmeg...ayaw ko ng mansisi dahil di naman ako perpekto pero isa lang ang gusto kong itanong kay Coach Tim...sige dalawahin na naten.Una,Bakit di mo napigilan si DAVID? di mo ba kilala si "POPOY"at"BASHA"? binigyan mo na ng one more Chance?di ka nadala? at Bakit di mo hinanapan ng paraan na mabigyan ng 6th foul si GARY DAVID? kung di mo maintindihan ,iinglesin ko para sayo..What's that excessive "underarm sweating" all about during the end game? Just a Question.


Anyhow,CONGRATS Powerade!!..may you go straight to the PBA Finals to compensate the "weak" tag on Bmeg now that they were beaten by you guys.Show other teams that you are HOT and GOOD that's why our B-MEG failed.Ganunpaman,SOLID B_MEG PARIN to'its dre!


This' gonna be a long Night for me dude!Cant sleep well for sure so somebody please SLAP me!!
Okay!nahimasmasan na'ko...isang mura na lang para lumabas ang Hinagpis...
MURAAAAAAAAA!



Share


Wednesday, June 22, 2011

SINGAPORE BLOGGERS

...Calling all bloggers who are currently in Singapore,we would like to inform you that our group headed by......Pweeee!!!!! tagalog na nga lang!...ang pormal pag english, e tsaka mahirap...so yun nga,si GASOLINEDUDE ang pasimuno ng lahat ng pagtitipon ng mga blogero at blogera dito sa singapore.At dahil sa pinakamatino at walang humpay na pag request niya ng "eyebol"..opo...Nagkaroon ng mga OFFICERS ang SINGAPORE BLOGGERS CLUB o GANG, wateber you may call it...Kidding apart,maayos naman ang mga layunin ng samahan,lalo na ang planong padalasin ang pag titipon-tipon at gimik ng mga blogero dito sa Singapore,bago man o luma......uhhhmmmm..ano pa ba? ...actually yun lang pala,wala na akong alam na ibang layunin.


AT DAHIL nga sa madalas naming pagtitipon dito,nanawagan kami sa lahat ng iba pang blogero na gustong maki-saya,maki-chismis,maki-balita,makipag-inuman (libre nyo) sa amin dito sa singapore.maari po lamang kontakin nyo si GASOLINEDUDE.AT kung bisi-bisihan si gasdude sa mga babae nya,pwede nyo also kontakin ang mga opisyales ng aming Samahan....... ayan ,o sa baba ang ichura ng mga walang'ya.


Yung nasa baba na may hawak na telepono at (pinipiktyuran pa rin ang sarili) ay ang aming mahal na presidente,Si ALEX MOLINA aka GASOLINE DUDE.ANg bise naman ay yung cute na may hawak na sangkatutak na mikropono,itago natin sya sa pangalang JEPOY.at yung katabi naman ng bise ay si JACKIE,sya ang sekretarya ng samahan ,Escort yung kalbong nasa baba ng sekretarya at ang muse naman ay yung nasa damit ng escort...*pigil tawa* ...at yung iba na 'di nabanggit...lahat kami treasurer...


*sa mga opisyales na nasa drowing...wag kayong magtaka kung di nyo kamukha..representasyon lang yan ng samahan natin para maniwala yung iilan na meron nga tayong samahan..olrayt!!i'm done!!!Nakapagblog din sa wakas!!!

 SIno Ka man....wala akong Pakialam!...basta't Pumasok Ka dito KaToto...aba'y!...welkaM nA WElkaM KA sa Klase Ko!....sakyan mo na lang ang mga KalokohaN at Baka mapikoN ka sa mGa PinaGsaSabi ko!.....peace Tayo!..  . -pajay

ALAM BA YOU?

KLASRUM NI PAJAY ©Template Blogger Green by Dicas Blogger.

TOPO